OPEN to the public ang friendship nina Vice Ganda and PBA player Calvin Abueva.
Marami ang natuwa when the two were photographed matapos ang isang basketball game. Agad-agad na pumunta si Calvin sa puwesto ni Vice para bumeso. Natalo man sina Calvin sa game na iyon ay nakakuha naman siya ng suporta sa Unkabogable Star na matiyagang nanood ng laban niya.
Just recently, nag-Boracay pala sina Vice at Calvin. They were there together with some friends.
Kitang-kita sa tatlong photos na ipinadala sa amin ang kasiyahan nina Vice at Calvin who were showed enjoying food and beverages kasama ang ilang trusted friends.
Mukhang si Calvin lang ang matapang na basketball player na hindi nahiyang aminin ang kanyang friendship with Vice. Wala rin siyang keber kung ma-sight man sila publicly.
We will not be surprised, therefore, kung suportahan ni Calvin ang 2018 MMFF entry ni Vice na “Fantastica.”
Nauna nang nakitang sweet sina Vice at Calvin sa isang basketball game ng huli. After the game, agad-agad na pumunta si Calvin kay Vice at niyakap niya ito. Talo sila sa game na iyon pero wagi naman ang ipinakitang suporta ni Vice.