PURO mga bagets actors na magkakakaumpukan ay ang pinagkukuwentuhan ay isang napakahusay na performance ng isang may edad nang female personality. Lahat pala sila, sa magkakaibang pagkakataon, ay dinala sa langit ng kaligayahan ng parang lola na lang nilang aktres.
Walang ibang masabi ang grupo kundi ang magaling kunong magmaneho ng may edad nang aktres, makakalimutan mo kuno ang iyong pangalan, ganu’n kahusay sa romansa ang wrangler nang female personality.
Kuwento ng aming source, “Nakasama lang nila sa taping ang babaeng personalidad, pagkatapos ng trabaho nila, sila naman ang tinrabaho ng babae.
“Magaling na kuno sa pagbiyahe sa langit ang masyonda nang girl, e, maasikaso pa. Ano kayo? Para siyang chef! Ipinagluluto niya ng paboritong food ang mga bagets!
“Like nu’ng maisama niya sa house niya si ____ (pangalan ng isang bagets actor pa nu’n), parang ayaw na niyang umuwi! Paano nga naman, asikasung-asikaso na siya ng lola niya, e, pinaliligaya pa siya nang wagas na wagas!” unang kuwento ng aming chikadorang source.
Mabait din daw ang masyonda nang aktres, pinangangaralan pa nga niya ang mga bagets na nakakachurvahan niya na mahalin at ingatan ang kanilang career, dahil hindi naman lahat ng mga kabataan ay nabibigyan ng panahong sumikat.
‘Yun ang dahilan kung bakit balik nang balik sa kanya ang mga bagets. Parang nasa restaurant na nga sila dahil sa sarap magluto ng girl, meron pa silang workshop kung paano iingatan ang kanilang career.
“Mahal siya ng mga bagets actor, lalo na ang mga malalayo sa kanilang pamilya. Para bang nakakita sila ng pagmamahal ng isang lola o nanay sa may edad nang female personality.
“Ang ending, madalas pa ring nagpupunta sa housing authority niya ang mga bagets actor, pero wala nang churvahan. Erase, erase, erase na ‘yun sa utak nila, dahil minahal na nila bilang lola nila ang may edad nang aktres.
“Ang pinakapaborito nilang niluluto ng masyonda nang girl, e, sinigang na ribs. Tama, sinigang na ribs nga!” nakataas ang kilay na pagtatapos ng aming source.
Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, kapag hindi n’yo pa nahulaan kung sino ang babaeng ito, e, siguradong mauupo kayo sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan, pramis!