ISANG labanan na puno ng aksyon at mga sorpresa na nadedesisyunan hanggang sa huling sultada ang naganap noong Linggo sa grand finals ng 2018 World Pitmasters Cup (Master Breeders Edition-2) 9-Stag International Derby.
Una na rito ang kabiguan ni Marcu Del Rosario (One Capiz April 7 A.T.F.) na mapanatili ang kanyang perpektong iskor sa kanyang ikawalong laban samantalang ang Bicol Group Big Event Sa Pasay Nov. 30 Team Liberator (Aldo-Jomarie/Jimmy Mariquit/BL), na pumasok sa kampeonato na may bitbit lamang na apat na puntos, ay naipanalo ang sumunod na apat na laban upang magtapos na may walong puntos.
Sa Fight 81, si Arman Santos (Jade Red LDI), na may 7.5 puntos pagkatapos ng walong laban, ay may pagkakataon sanang masolo ang korona subalit nabigo sa nakalaban na Diesel Alwyn & Ragnar (Vice Tom Tom Hernandez at Marlon Castro) upang maitalaga na pinakamataas na iskor ang 8 puntos. Bunga nito awtomatikong idineklara na kampeon ang Bicol Group Big Event Sa Pasay Nov. 30 Team Liberator at binuksan ang pinto para magkampeon din ang apat na may tig-7 puntos na may tig-isang laban pa.
Ang One Capiz April 7 A.T.F. at Fafafa A.S. ay nagtagumpay subalit kinapos din sina Atong Ang (AA Virgo 2) at Boy Gamilla (EA Dragon-BMJ).
Ang tatlong naka-8 puntos ay ang Bicol Group Big Event Sa Pasay Nov. 30 Team Liberator (Aldo-Jomarie/Jimmy Mariquit/BL), Fafafa A.S (Femie Medina/Allan Syiaco) at One Capiz April 7 A.T.F. ni Marcu Del Rosario na mula sa Roxas City at kabilang sa Thunderbird Winning Team na nagsalo sa korona.
Naghati-hati naman sa karangalan bilang runner-up sa natipong iskor na 7.5 puntos sina Arman Santos (Jade Red LDI), Celso Evangelista/Joel Ocsena (Experto Gamefowl Products Inc-2), Atty. Santos/Raffy Zaide (114 Rt Kaliwete Mar. 3 Big Event 6 Cock sa NSNCA Ilocos Norte 2) at Mayor Max Roxas/WRV (WRV Paniqui 2).
Nagtapos naman na may tig-7 puntos sina Barry Crisostomo/SL (GS Señor 2), Ed Belvez (Assault), Fantastic Col./@ Bogs (AA/LA Fantastic San Gabriel/@ Bogs Mrv Lolong B), Pol Estrellado (P.E. Gamefarm 2), Gov. Jayjay Suarez (Field Marshal), Anthony Marasigan (San Juan MOA), RJ Mea (RJM Bohemian Rhapsody), Atong Ang (AA Virgo 2), Boy Gamilla (EA Dragon-BMJ), RSL & Sons/Ricky Castillo/Osang Dela Cruz (Gold Quest RSL & Sons EYC LDI) at Boss Rommel Buensuceso (RTB Apo Kulas.
Samantala, ang 2019 World Pitmasters Cup 9-Cock International Derby ay gaganapin sa Enero 17 hanggang 26 sa Newport Performing Arts Theatre ng Resorts World Manila.
Ito ay muling ihahatid nina Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, Engr. Sonny Lagon, RJ Mea at Gov. Eddiebong Plaza katuwang nina Eric dela Rosa at Ka Lando Luzong kasama ang Thunderbird Bexan XP bilang gold sponsor.
Para sa reserbasyon ng slots tumawag sa 0927-8419979.