GUSTO na sanang magkaroon ng anak ni Nico Bolzico sa asawang si Solenn Heussaff pero mukhang hindi pa ito mangyayari in the near future.
Mismong si Solenn na ang nagsabi na wala pa siyang balak magbuntis sa ngayon, at hindi rin naman siya naiinggit sa mga kaibigan niyang sina Liz Uy, Georgina Wilson at Isabelle Daza na meron nang sari-sariling mga anak.
“No naman, kasi may mga pamangkin din ako tapos parang everyone…it happens in the right time so hindi pa ako nagpaplano. Kasi nowadays parang ‘yung 30s ngayon parang you feel like you’re 20s so marami pa akong gustong gawin.
“So, tingnan natin pero siyempre, looking forward din ako sa motherhood. But now, okay na ako sa nephew ko na for like two hours a day naaalagaan ko siya,” sey pa ng Kapuso actress na nakachikahan namin sa grand launch ng GMA primetime series na Cain At Abel.
Kung si Nico raw ang tatanungin, naghahanap na rin daw ito ng baby sa bahay, “Well gusto rin niya. I mean, siyempre we got married para magkaroon ng own family pero for now, we’re both very busy.
“Ano muna, practice muna sa mga hayop, sa dogs and cats. May four animals na kami sa bahay,” chika pa ng leading lady ni Dingdong Dantes sa Cain At Abel.
Kumusta naman katrabaho ngayon ang Kapuso Primetime King na si Dingdong at ang Drama King ng GMA na si Dennis Trillo? “Nakatrabaho ko na sila dati. So it’s exciting to have another project with them at siyempre naman kakaiba din ngayon kasi silang dalawa na ang magkasama. It’s just so nice to see how they work together kasi sobrang magaling sila.”
Bukod sa matitindi nilang mga eksena ni Dingdong abangan din daw ng viewers kung ano ang magiging konek nila ng karakter ni Dennis sa serye, “Sa second week yata ipapakita na yun so dapat mapanood nila.”
Ito ba ang pinaka-challenging na role na naibigay sa kanya ng GMA? “Oh my gosh, yes! Actually nu’ng sinabi nila na ‘Sos may bago kang project sa GMA.’ Sabi ko, ‘Ah okay ano ‘yan?’ Teleserye raw. Sabi ko, baka comedy kasi galing akong TOTGA (The One That Got Away).
“Kasi sabi ng mga tao gusto nila ako sa comedy. So I told them, ‘Sige, game. Gora na ‘yan.’ Tapos sabi ko, ‘Sino ‘yung makakasama ko?’ ‘Dennis at Dingdong.’
“Oh my gosh ibig sabihin drama ‘to. Shocked talaga ako. Natakot ako. Pero, for me, dapat ‘pag nandoon ‘yung challenge, that’s the positive aspect kasi matututo ako,” mahabang pahayag pa ni Solenn.
Ibig sabihin talagang pinaghandaan niya ang Cain At Abel? “Pagdating sa acting, siyempre I needed to try and level it up kasi ang gagaling nilang lahat tapos drama, na hindi ako kumportable sa drama.
“Tapos kontrabida pa ako, ‘di ako sanay sumigaw sa totoong buhay or mag-confront, medyo mahirap para sa akin ito. But, parang it’s time for me na rin to learn and to move up ng konti. So happy din, but nervous at the same time,” aniya.
May time ba na parang natutulala ka na lang kapag kaeksena mo si Dingdong? “When I’m with them, I mean they’re very chill behind the scenes, so parang hindi intimidating while we’re shooting.
“I mean si Dennis, Dingdong, Sanya (Lopez), they’re all super parang chill lang kapag behind the scenes.
We all get alon so pag take na, parang chill ka na rin, wala na yung takot o kaba.”
Napapanood ang Cain At Abel sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras. Ito’y sa direksyon nina Mark Reyes at Toto Natividad.