UP Fighting Maroons nakahirit ng do-or-die Final Four game

Laro Ngayong Linggo (Nov. 25)
(Araneta Coliseum)
3:30 p.m. Ateneo vs FEU
NAKAHIRIT ang University of the Philippines Fighting Maroons ng do-or die semifinals game matapos maungusan ang Adamson University Soaring Falcons, 73-71, sa kanilang UAAP Season 81 men’s basketball Final Four game Sabado sa Mall of Asia Arena, Pasay City.

Nakaiskor si Bright Akhuetie ng isang undergoal layup sa huling offensive play ng Fighting Maroons may tatlong segundo ang nalalabi sa laro bago nabigo ang Soaring Falcons na makaiskor sa sumunod na play para maitakas ng UP ang panalo.

Nanguna para sa Fighting Maroons sina Paul Desiderio at Juan Gomez De Liano na may tig-19 puntos.

Nagtala naman sina Papi Sarr at Sean Manganti ng 23 at 15 puntos para pamunuan ang Adamson.

Ang knockout semis game sa pagitan ng Soaring Falcons at Fighting Maroons ay gaganapin sa Miyerkules, November 28, sa Smart Araneta Coliseum.

Read more...