Kathryn love na love si Daniel: I’m the happiest when I’m with DJ!

KATHRYN BERNARDO AT DANIEL PADILLA

IKAKASAL si Kathryn Bernardo sa latest offering ng Star Cinema na “Three Words To Forever” na siya ring reunion movie nina Sharon Cuneta at Richard Gomez.

Gaganap si Kathryn bilang anak nina Mega at Goma sa kuwento ng pelikula, kaya naman natanong siya sa presscon kamakalawa kung ano ang pananaw niya tungkol sa pagpapakasal.

“Iba-ibang age natin na puwede pasukin ang marriage. Kasi ibang level yan sa mag-BF-GF kayo. For me, kapag nakikita mo ang buhay mo na ginagawa mo ang mga bagay na yun kasama ang tao na yun, isa na yun kapag hindi mo makita ang future na wala siya,” ang pahayag ng girlfriend ni Daniel Padilla.

Ilang linggong nag-shoot sa Ormoc, Leyte ang cast ng “Three Words To Forever” at inamin ni Kathryn na talagang na-miss niya ang kanyang pamilya at iba pang mga mahal sa buhay, kabilang na siyempre si Daniel.

Kaya raw nang sorpresahin siya ni DJ sa shooting nila sa Ormoc, grabe raw ang kaligayahang naramdaman niya, “Ang tagal ko siyang di nakita, eh! And parang na-recharge ako nang nakita ko siya!

‘Okay ready na ulit!’”

Ayon pa kay Kathryn, hindi lang daw basta boyfriend si Daniel, “Kaibigan din siya, kakampi mo, basta I’m the happiest when I’m with DJ.”

Samantala, malaking adjustment ang ginawa niya para sa pelikula nila nina Sharon at Goma dahil hindi nga si Daniel ang katambal niya rito.

“Big, big adjustment for me. Hindi ko naman sasabihin na naging madali siya. Ang tagal, six or seven years kasama ko si DJ. Alam mo yung kapag pupunta ka sa set, yung di mo siya makikita? Weird, weird siya,” pahayag ng dalaga.

Showing na ang “Three Words To Forever” ngayong Nov. 28 sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina. Kasali rin dito sina Liza Lorena, Freddie Webb, Joross Gamboa at Tommy Esguerra.

Read more...