SINAMPAHAN na rin ng kaso ni Kris Aquino ang abogadong si Atty. Jesus Falcis, ang kapatid ng kanyang dating business associate na si Nicko Falcis na idinemanda naman niya ng qualified theft.
Nitong Huwebes nang hapon ay pumunta sa Department of Justice si Kris kasama ang legal counsel niyang si Atty. Ricky dela Cruz ng Divina Law para isampa ang nine counts of cyberlibel laban kay Atty. Falcis.
Ang pagtawag ng “liar” o sinungaling ng abogado kay Kris ang isa sa matinding dahilan kung bakit nagdesisyon na rin ang Social Media Queen na kasuhan ito.
Noong Nob. 16 ay nag-post si Atty. Jesus ng, “Kris the liar says the credit card charges were unauthorized personal expenses of my brother. Personal expense pala ng kapatid ko ang Cathay Pacific flight mo and pag stay mo sa Marco Polo Hotel, Ms. Aquino? Pati entourage mo personal expense ng Kuya ko?
“Grabe ka naman ikaw ang gusto magsama ng 10-20 people tapos gastos pala ng Kuya ko yun? Sagot pala nya si Alvin, Bincai, Jack at iba pa? Haha. si Kuya na pala boss nila!
“P.S. Sa mga feeling omniscient, 3 lang ang sponsored ng Cathay – si Kris, Josh, and Bimb – under their contract. Mahiya ka sa balat mong urticaria prone na alam mo na meron ka even before ka nag Singapore!”
May nauna pang post ang abogado na artcard ng isang babaeng naka-raincoat na may dalang payong na may caption na, “Some people create their own storms then get upset when it rains.”
Sinundan pa ito ng, “Hey Rich Girl Gone Crazy ala Gone Girl, don’t be a spoiled oligarch brat. No SPA, no meeting? No mom, no meeting? No immediate compromise, no settlement? Ano ka hello? We weren’t born yesterday noh. Una, walang ninakaw. Ikalawa, ikaw binantaan mo buhay nya. Baka ano na namang sakit makuha mo pag kami na naglabas ng mga ALAS namin. Ikatlo, fighter kami lalo na Mom namin.”
Inabangan ng netizens kung sasagutin ni Kris ang mga patutsada ni Falcis pero nanatiling tahimik ang mommy nina Josh at Bimby. Iyon pala, inayos muna niya ang lahat para pormal nang magsampa ng kaso sa DOJ.
“While I am a well-known celebrity, respondent does not have the unbridled license to malign my honor and dignity by indiscriminately posting malicious statements against me,” ayon kay Kris.
Hindi pa raw kasi nakuntento ang kapatid ng dati niyang business partner sa KCAP sa paninira sa kanya at idinamay pa ang kanyang mga magulang na sina ex-Sen. Ninoy Aquino at former President Cory Aquino. Pang-iinis ni Falcis, “It’s hard to be the child of Ninoy and Cory. But your other siblings turned out okay. Why did you turn out that way?”
“If the utterances are false, malicious or irrelevant to matters of public interest involving public figures, the same may give rise to criminal and civil liability,” lahad pa ni Kris.
Narito naman ang official statement ng kampo ni Kris through her lawyer Atty. Ricky dela Cruz ng Divina Law.
“We filed criminal cases for 9 counts of cyberlibel today at the DOJ against Atty. Jesus Nicardo Falcis III. He made malicious and defamatory statements against our client, Ms. Kris Aquino. We will now now make him accountable.
“Ms. Kris Aquino opted to respond to the malicious accusations hurled against her through the legal process. Because she believes that this is the right thing to do. She has full faith in the Philippine justice system. She knows that we are all equal in the eyes of the law.
“Ms. Kris respects our prosecutors and she now leaves it to them to start the legal process. We believe that Ms. Kris Aquino will get JUSTICE because TRUTH IS ON HER SIDE.”
Sa opisina ni Senior Deputy State Prosecutor Richard Anthony Facullon ng National Prosecution Service Department of Justice, Manila City tinanggap ang reklamo ni Kris.
Bukas naman ang pahinang ito para sa panig ni Atty. Jesus Falcis III at ng kanyang pamilya.