NAHIHIRAPAN po akong dumumi sa araw-araw. Ano po ang maipapayo n’yo? – Catherine Dineros, 23, Hi, Catherine. Dagdagan mo ang pag-inom ng tubig at pagkain ng mga mataas ang fiber sa diet mo. Sa loob ng dalawang araw, uminom ka ng Duphalac, two tablespoons sa gabi.
Four years ko na nararamdaman yung ngalangala ko parang laging may nakakalang. Ang pakiramdam ko parang manhid na may spring na nakatukod. Ano kaya po ito? Ni-research ko sa Internet sa TMJ nagmamanifest. – Nolan Lagos, Lucena, Quezon, …1366
Baka nga TMJ arthritis yan, Nolan. Patingin ka muna sa dentista baka lang hindi maganda lapat ng mga ngipin mo, na siyang madalas na sanhi nito.
Doc, good pm po. Madali lang po akong mapagod at hindi ako gaano makatulog sa gabi. – Daniel Estevez, 50, Cebu City, …8633
Good pm, Daniel. Maraming posibleng sanhi ng sintomas mo. Kapag ang katawan ay pagod, mas madali makatulog ngunit kung masyadong malikot ang kaisipan natin, ginigising tayo. May bisyo ka ba?
Gusto ko uminom ng gamot para mawala ang akin mayoma doc. — …0705
Walang gamot na pampatunaw ng mayoma.
Pede po bang pakitalakay sa inyong kolum ang iba’t ibang paraan na pwedeng gawin o mga vitamins na pwedeng inumin ng bata o adult para tumaba. Thanks.
— Sunshine Santos, 35, Nueva Ecija
Hindi kayang palitan ng vitamins ang sapat na pagkain para tumaba ang tao. Kailangan malaman muna ang dahilan kung bakit payat at kung talaga ba namang payat ang isang bata o isang adult.
Kailangan maekasamin muna kung may sakit o wala. Mayroong mga tao na sadyang ganoon lang ang timbang at pangangatawan. Ang mga bata naman ay natural lang na hindi kumakain kapag hindi gutom. Mas maraming problema ang katabaan kaysa sa payat. Ayos lang ang maging payat bast lang ang resistensiya ay normal.
Editor: Si Dr. Heal ay napapakinggan din sa Radyo Inquirer 990AM gai-gabi mula alas 8 hanggang 9:30.
May nais ba kayong itanong o isangguni sa kanya? I-text ang inyong pangalan, edad, lugar at mensahe sa 0999858606.