Hamon kay Alessandra: Pangalanan mo ang mga ipokrito sa showbiz!


NATAWA kami nang slight when Alessandra de Rossi brought up the issue of hypocrisy sa latest interview niya kay Boy Abunda.

Para kasing pinalalabas ni Alessandra na ipokrito’t ipokrita ang nakakasalamuha niya. Na parang siya lang ang nagpapakatotoo sa lahat.

Well, we once interviewed Alessandra during the anniversary of GMA 7. It was in the 90s and at that time, bongga pa ang celebration ng GMA ng kanilang anibersaryo. Star-studded ito.

We came late and we’re rushing to the venue. As we were walking, we saw Alessandra coming out sa kotse ni Jeremy Marquez. They were holding hand while walking at noong malapit na sa venue ay biglang nagkalasan ang kanilang mga kamay.

And when we asked her about Jeremy, todo-tanggi siya na boyfriend niya ito.

Teka, kailan ba umamin si Alessandra sa mga naging boyfriend niya? When asked, nagpapaligoy-ligoy pa siya, kung anu-anong dahilan niya without answering the question, eh, answerable naman ito by yes or no.

The nerve of this Alessandra na akusahan ang mga tao sa showbiz na ipokrito when she belongs to their ilk naman. Kung totoong tao ka, pangalanan mo ang sinasabi mong ipokrito.

‘Yun lang!!!

Read more...