PAGPANSIN ng mga tumututok sa It’s Showtime ay sobra-sobrang publicity na ang nakukuha ng basketbolistang si Calvin Abueva mula sa show.
Naiintindihan nila na masaya nga-yon ang komedyante-TV host dahil kay Abueva, mas masaya si Vice Ganda ay mas masaya rin siyang nagho-host, pero sana naman daw ay huwag nang masyadong nagiging topic sa show ang basketball player.
May komento tungkol du’n ang isang kaibigan naming nauumay na sa mga nangyayari sa It’s Showtime, ang kanyang sabi, “Hindi naman ang lovelife ni Vice ang reason ng panonood namin sa show. Gusto namin ang programa dahil magaganda ang mga segments nila, lalo na ang TNT.
“Pero lately kasi, e, palagi na lang nilang pinag-uusapan si Abueva. Kesyo ipinagluluto raw niya ng masasarap na ulam si Vice. Kesyo nanood sila ng laro ni Calvin, kesyo nanonood daw si Abueva palagi kaya binabati naman nila.
“Nu’ng una, e, cute pa ang dating nu’n dahil parang nagpapa-cute din si Vice. Pero nu’ng matagal-tagal na, parang nakakaumay na.
“Hindi naman part ng show si Abueva, ano naman ang interes ng televiewers sa kanya? Kung masaya si Vice dahil sa kanya, e, sarilinin na lang sana niya ‘yun!
“Kung gustong makita ng publiko si Abueva, e, sa PBA ‘yun, hindi dapat sa show nina Vice, dahil wala siyang participation sa programa,” reklamo ng aming kaibigan.
Ganu’n daw!