Young male singer-actor na mahilig mang-asar pikon, iyakin, sumbungero


KALAT na kalat na ang kuwento sa isang malaking bakuran ng telebisyon tungkol sa dalawang young male personalities na nagtalakan sa social media kamakailan.

Wala nang mababasa pang hirit mula sa mag-kabilang kampo ngayon dahil pareho silang nakatikim ng talak mula sa mga nag-aalaga sa kanilang career.

Kuwento ng chikadora naming source, “Wala na, tapos na ‘yun! Pinagsabihan na silang tantanan na ang pagpa-patutsadahan nila dahil napakapangit tingnan na pareho pa naman silang lalaki, pero kung makakuda sila, e, mas masahol pa sa babae!

“Pati tuloy ang mga taong malalapit sa kanila, e, nakisawsaw na, kani-kanyang pagtatanggol na sila, lumaki nang lumaki ang gulo dahil sa pareho nilang pagtalak na akala mo mga babae sila,” kuwento ng aming impormante.

Bully raw talaga si Young Actor A, si Young Actor B naman ay pikon, mahilig siyang magbiro pero kapag siya na ang binibiro ay sobrang pikon niya naman.

Patuloy ng aming souce, “’Yung si Young Actor B, madaldal ‘yun, e! Mahilig siyang makipagbiruan, pero kapag siya na ang topic, agad namang napipikon! Kung ayaw niyang nabibiro siya, e, di huwag din siyang nagbibiro sa mga kasamahan niya!

“Iyakin din ang tawag ng iba sa young male singer na ‘yun, kasi, konting kibot lang, nakasumbong na siya agad sa mga nag-aalaga sa career niya.

“Di ba, isinama siya sa isang movie na pinagbidahan ng isang sikat na loveteam? May mga kuda si young male singer tungkol du’n!

“Kesyo napakaaga niyang dumarating sa location, pero nakukunan siya, e, halos pagabi na! Kesyo kokonti lang daw naman pala ang dialogues niya sa movie, marami siyang kuda!

“Ano ‘yun, siya ang bumibida sa pelikula para mas damihan pa ang mga linyang sasabihin niya? Ibang klase rin siyang mag-demand, ha? E, sabi nga ng mga nanood ng movie, OA naman siya!” nakataas pa ang kilay na komento ng aming source.

Naku naman, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, siguradong getlak n’yo na kung sinu-sino ang mga bumibida sa kuwentong ito.

May upuan kaya kayo ngayon sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan?

Read more...