Kisses, Donny lumelebel sa CarGel sa pagpapakilig

KISSES DELAVIN AT DONNY PANGILINAN

HANGGANG kailan kaya ang guesting ni Carlo Aquino bilang Harold sa PlayHouse? Siguradong magtatagal pa siya sa serye ng ABS-CBN dahil sa napakainit na pagtanggap ng manonood sa tambalan nila ni Angelica Panganiban.

Kapag may mga eksena kasi ang dalawa ay talagang nakakarinig kami ng hiyawan dahil kilig na kilig sila. Pero hindi naman puwedeng sila ang maging permanent loveteam dahil ang programang PlayHouse ay binuo para kina Angel at Zanjoe Marudo.

Habang si Carlo ang nakaka-coffee date ni Angelica ay may iba ring pinagkakaabalahan si Zanjoe bilang Marlon – ang kaibigan niyang si Irene, na ginagampanan ni Ariella Arida na nagdesisyon namang umalis dahil hindi na niya inaasahang magugustuhan siya ni Marlon.

Sa pag-alis ni Irene ay may nagbabalik naman sa buhay ni Marlon, ang karakter ni Isabelle Daza pero hindi pa malinaw kung anong kuneksyon nila noon. Kasabay nito, tila nahuhulog na rin ang loob ni Patty (A-ngelica) kay doc Harold.

Samantala, hindi lang sina Patty at Marlon ang kinakikiligan ng millennials sa serye dahil inaabangan din ang kuwento nina Donny Pangilinan bilang si Zeke at Kisses Delavin as Sheila. Grabe ang comments sa Iwant.ph ng mga DonKiss fans, lalo sa eksenang nadulas si Sheila kay Zeke na hindi niya crush ang binatilyo gayung wala naman itong alam.

At sa sobrang hiya ay nagtatakbo si Sheila kaya naiwan nito ang sapatos sabay sabit sa jeep para lang iwasan si Zeke. Bentang-benta sa manonood ang nasabing eksena kaya naman tuwang-tuwa ang kanilang mga fans na araw-araw tumututok sa PlayHouse bago mag-It’s Showtime.

Read more...