Male singer na-bad trip nang ikumpara sa 3 batang singer


HOW  true na super react umano ang isang kilalang aktor-singer sa naging komento ng isang nirerespetong TV host hinggil sa pagkukumpara ng mga sumisikat na grupo ng mga kabataang singer, lokal man o international.

Ang naturang grupo ay binubuo ng tatlong mahuhusay na singer, ngunit marami ang nakakapansin ng may kalambutan ang mga ito kung kumilos at magsalita. Kung hindi kami nagkakamali, isa sa kanila ay umamin na sa tunay niyang gender.

Ayon sa tsika, sumimangot, tumaas ang kilay at na-bad trip umano ang singer-aktor nang hingan ng saloobin hinggil sa pagkukumpara sa kanila.

Sey pa ng nagkuwento sa amin, “Grabe, super react ang lola mo. Hindi niya matanggap ang comparison sa kanila lalo pa’t ang dalawa pang kilalang male singer na ikinukumpara sa mga bagets ay natsitsismis ding bading?”

Nakakalokahhhh!

Read more...