Willie sa pagtakbong mayor ng QC: Laban o bawi?

WILLIE REVILLAME

MAY mga nakausap kaming ilang political leaders at ilang grupo na patuloy na nanliligaw kay Willie Revillame para tumakbong mayor sa Quezon City.

“Meron talagang clamor. Hindi nakapagtatakang araw-arawin siya ng mga taong gusto siyang patakbuhin,” sey ng nakausap naming source.

Hanggang sa Nov. 29 pa ang itnakdang huling araw ng Comelec para sa “palitan” o “substitute” ng sinumang kakandidato, kaya’t marami pa rin ang umaasa na mapapapayag nilang tumakbong alkalde ng Q.C. ang TV host-comedian.

Ayon pa sa aming source, hindi lang isa o dalawang maimpluwensyang grupo ang patuloy na sumusuyo kay Willie. Meron pang ilang ordinaryong grupo na sanay na sanay na sa larangan ng pulitika at wala pa raw record na natalo sa anumang eleksyon.

Abangan natin ang mga susunod na kabanata dahil may nalalabi pang ilang araw bago mag-Nov. 29. Tulad ng isinisigaw niya sa Wowowin, ano kaya ang pipiliin ni Willie – “pera o kahon?”

q q q

Tungkol naman sa mga kuwentong ASAP Natin ‘To last Sunday, na may bago na ngang format ang pag-usapan natin.

Kasabay ng pagpasok ni Regine Velasquez-Alcasid sa programa ang pagsulpot ng mga “tampuhan” isyu dahil sa pagkawala ng ilang re-gular performers nito. It’s either tinanggal sila dahil naiba na nga ang konsepto ng show o nagbaklas ng budget para ma-accommodate ang pag-entra ng Songbird.

Ilan sa mga balitang nagtatampo raw ay sina Zsa Zsa Padilla, Martin Nievera, ang magkapatid na Toni at Alex Gonzaga at Robi Domingo, na araw-araw namang napapanood ngayon sa PBB Otso.

Meron pang ibang singers (aspiring and those with one hit song o nanalo sa contest) na hindi na regular na mapapanood sa show. Ma-assign na lang sila bilang singer sa kasal, sa binyag at iba pang bagong gimik ng programa.

Asahan na raw natin na sa mga susunod na episode ng ASAP ay tila magmumukha na itong public service na may kantahan at sayawan, at pagkukuwento ng mga na istoryang pang-Maalaala Mo Kaya.

Read more...