Kampanya vs illegal recruitment, pinaigting ng DOLE

PINAIGTING ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang kampanya nito laban sa lahat ng uri ng illegal recruitment at human trafficking sa bansa at sa iba-yong dagat upang patuloy na protektahan ang kapakanan ng mga Pilipinong manggagawa mula sa mga mapang-abusong recruiter at sindikato.

Sa isang administrative order, bumuo ng bagong task force laban sa illegal recruitment, recruitment ng minor worker, at trafficking in persons upang maiwasang mabiktima ang mga manggagawa ng mga grupong may iligal na gawain.

Batay sa datos ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA), mayroong 156 na biktima ng illegal recruitment mula Hunyo 18 hanggang Oktubre 2018, na siyang nakakaalarmang kaso dahil naganap ang mga insidente sa loob lamang ng maiksing panahon.

Sa kabila ng kampanya upang puksain ang illegal recruitment, trafficking in persons, at recruitment ng minor workers, mayroon pa ring mga ulat na naisasagawa ang iligal na gawaing ito kung saan nalalagay sa panganib ang mga Pilipinong manggagawa.

Kabilang sa mga pa-ngunahing tungkulin ng bagong grupo ay bumuo ng mga istratehiya at panuntunan laban sa modus operandi ng mga illegal recruiter at agad silang mahuli sa tulong ng kalihim ng DOLE.

Ang task force rin ay mayroong kapangyarihan na magsagawa ng surveillance at entrapment ope-ration sa mga taong pinaniniwalaang kabilang sa mga aktibidad ng illegal recruitment, at mag-atas ng agarang imbestigasyon at kalutasan sa mga kasong may kaugnayan sa illegal recruitment.

Upang mas maging mabisa, ang task force ay makikipag-ugnayan sa National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) na siyang magsisilbi bilang operational at law enforcement arm.

Pangungunahan ni Undersecretary Jacinto Paras ang grupo at ng Administrator ng Philippine Overseas Employment Administration bilang vice chair at Director ng Bureau of Local and Employment bilang miyembro.

Ang iba pang miyembro ng task group ay ki-nabibilangan ng mga head mula sa Overseas Workers Welfare Administration, International Labor Affairs Bureau (ILAB), at Bureau of Workers with Special Concern

Ang pagbuo ng task force ay kasunod ng agenda ng labor department na magkaroon ng pinaig-ting na kampanya, koordinasyon, at epektibong programa upang mapigilan at mapuksa ang illegal recruitment.

Information and
Publication Service
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Read more...