Jimmy Bondoc ninakawan

PINASOK ng mga magnanakaw ang bahay ng singer at Vice President for Corporate Social Responsibility ng Philippine Gaming Corp., na si Jimmy Bondoc sa Quezon City noong Martes.

Nakuhanan ng CCTV ang ginawang panloloob ng dalawang lalaki sa bahay ni Bondoc sa Brgy. Pinagkaisahan. Nanawagan siya sa publiko na tumulong upang makilala ang mga suspek.

Isa sa mga suspek ang umakyat sa gate ng bahay at nang makapasok ay binuksan nito ang gate para makapasok ang kanyang kasama ala-1 ng umaga.

Nakapasok sa loob ng bahay ang mga magnanakaw at kinuha ang laptop at camera.

Ipinost ni Bondoc ang kuha ng CCTV sa kanyang Facebook account kung saan din siya humingi ng tulong upang makilala ang mga suspek.

Read more...