Manoy ayaw nang makisawsaw sa isyu ng ‘Probinsyano’ kontra PNP

GINA PAREÑO AT EDDIE GARCIA

DINEPENSAHAN ng veteran actor na si Eddie Garcia si Coco Martin at ang teleserye nilang FPJ’s Ang Probinsyano sa akusasyong ‘di tamang pagsasalarawan ng mga pulis.

“Well, kathang-isip lang ‘yun,” pahayag ni Eddie nu’ng makausap namin sa mediacon ng movie nila ni Gina Pareño titled “Hintayan Ng Langit.”

Ayaw naman niyang magbigay ng reaksyon sa nababalitang pagsampa ng kaso laban sa Kapamilya teleserye kapag ‘di binago ang plot tungkol sa kapulisan, “Wala akong say because I’m not the writer. I’m just an actor there,” sabi ni Tito Eddie.

Nasa taping ng Probinsyano si Eddie nu’ng lumabas ang press statement na inilabas ni DILG Assistant Sec. Jonathan Malaya last Friday. Naglabas ng kanyang pagkadismaya si DILG Sec. Eduardo Ano sa pagsasalarawan ng mga pulis sa teleserye ng ABS-CBN.

Tinanong namin ang veteran actor kung may plano ang creative team ng Probinsyano na baguhin ang pagsasalarawan ng mga pulis sa serye.

“Well, I’m sure they will do something about it,” diin ni Eddie. “Sa akin wala. Dahil ako kontrabida ako, e. Tsaka hindi naman ako pulis. Sa creative team, wala naman akong alam na gagawing pagbabago. Siguro doon sa grupo ni Coco, doon sila nag-uusap.”

Feeling naman niya may basis ang DILG na mag-file ng case “if Ang Probinsyano continues with their grossly unfair and inaccurate portrayal of our police force” na nakapaloob sa press statement na inilabas ni Malaya.

No comment naman si Eddie kung sa tingin niya ay hindi na child-friendly ang serye ni Coco. Aniya, aktor lang siya na gumaganap sa isang mahalagang karakter sa serye.

Samantala, naiugnay naman ni Tito Eddie ang kanyang sarili sa kwento ng “Hintayan Ng Langit” na isa sa entry sa nakaraang QCinema International Film Festival kung saan napanalunan niya ang Best Actor award.

“Alam mo naman ang buhay ng tao when you have to go, when you got to go, you gotta go,” aniya.

Wala naman daw siyang wini-wish na gusto niyang sumalubong o naghihintay for him na makasama muli sa langit except for his family. At naniniwala rin siya na may tunay na langit.

Kasama ni Eddie sa “Hintayan Ng Langit” ang veteran actress na si Gina Pareño at idinirek ni Dan Villegas. Maganda raw ang mga linya niya sa movie at napakahusay ni Direk Dan na siya ring nagdirek ng “Exes Baggage” na kumita ng P300 million sa takilya.

Ang “Hintayan Ng Langit” ang ikalawang pelikula ni Eddie ngayong 2018. Ang una ay ang “ML” na official entry naman sa nakaraang Cinemalaya Independent Film Festival. Parehong nanalong Best Actor sa dalawang pelikula ang veteran actor.

And for that alone, we highly recommend na panoorin ang “Hintayan Ng Langit” na showing na sa mga sinehan ngayon.

Read more...