Julia may pa-abs sa Instagram: Oo na, sa ‘yo na si Joshua!


MAY pa-abs si Julia Barretto sa latest IG photo niya.

Talagang ang daming humanga sa kanya dahil flat na flat ang kanyang tiyan.

“Ang hirap na ngang i-achieve ang ganyan kagandang body may pa-abs pa. Ikaw na talaga Julia.”

“Kagabi lang sabi mo andami mong kinain, tas ito???? Yung totoo, san mo nilalagay kinakain mo? Sexy mo duy!”

“Nananabunot na naman yang abs mo madame. Sayong sayo na si Joshua Garcia!”

Anyway, sa Ngayon At Kailanman ay kinabog ni Eva (Julia) si Roxanne (Elisse Joson) dahil siya ang nagwagi ng first prize sa jewelry competition. Pumayag na rin si Eva sa DNA test as requested by Rebecca (Iza Calzado) at lalabas na ang result today.

q q q

Bongga ang launch ng Profiles Entertainment Productions, Inc. (PEP) nina Kniel Harley Bermudez (Executive Director) and Raymund Erig (Chief Executive Officer) sa Xylo Bar.

The launch saw the 40 talents of PEP and we saw a great promise sa grupong NITRO, isang boy band and After5, one female group.

“I‘ve been in the industry since 2001. I started with Philippine Advertising Councilor as researcher. One time, may nag-shoot sa kabilang street namin na parang Mr. Clean. It’s animated. Nakita ko ‘yung talent na may kausap na hangin. Nu’ng nakita ko ‘yung pinaka-post prod na lumabas sa TV ay na-amaze ako.

“Doon ako pumasok sa isang advertising agency hanggang sa naging part ako ng isang team under Viva Entertainment. My boss that time was Arsi Baltazar,” direk Kneil shared.

“After that, nanawa ako ng konti and I went back to school and I took up Marketing. Then I finished Hotel and Restaurant Management. Nag-cruise ship ako and then my clients na naniniwala sa akin, doon na nagsimula ‘yung career ko as director for a launch,” he added.

“Nasa franchising business ako. May mga food carts ako. It was successful and na-meet ko si Kneil. Sobrang trust ko sa kanya,” say naman ni Raymund.

When asked what role would he play in the company, he said, “First, siyempre sa financing and then operational marketing.”

One-stop shop ang PEP as it provides the following services: corporate shows, pageants concerts, product launch, festivals, visual effects, graphic designing, artist management, creative and art directing, visual effects.

The blessing of its new office located at 37 Scout Limbaga, Quezon City features star-of-the-art facilities for its multi-media team, recording and rehearsal studios, board rooms and many other activities.

Read more...