Bakit nag-thank you si Dennis kay Coco?

NAG-THANK you ang Kapuso Drama King na si Dennis Trillo kay Coco Martin matapos nitong pusuan at i-like ang kanyang Instagram post tungkol sa Kapuso series na Cain At Abel.

Kasama ni Dennis sa Cain At Abel ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes, ang bagong katapat na serye ng FPJ’s Ang Probinsyano ng pinagbibidahan ni Coco sa ABS-CBN.

Nagsimula na ang teleserye nina Dennis at Dingdong nitong Lunes at mainit naman itong tinanggap ng Kapuso viewers kasabay ng pagiging top trending topic nito sa social media.

Nang makita ni Dennis na ni-like ni Coco ang kanyang IG post, nag-reply ang aktor ng, “Salamat sa pag like Cardo @mr.cocomartin.” Cardo ang pangalan ni Coco sa kanyang teleserye.

Sagot naman ni Coco kay Dennis, “Congrats Bro sana magkatrabaho tayo soon!!!”

Read more...