SA episode ng Ngayon At Kailanman nitong Lunes ay nabitin ang mga nag-aabang kung nag-match ang DNA test nina Rebecca (Iza Calzado) at Eva (Julia Barretto).
Matapos kasing basahin ni Rebecca ang resulta ng test ay umagos na agad ang kayang luha samantalang gulat na gulat naman si Eva.
Sakaling mapatunayan ngang mag-ina talaga sina Rebecca at Eva sa pagpapatuloy ng episode kagabi ay ano na ang magiging papel ni Elisse Joson bilang si Roxanne na siyang may suot ng kuwintas na iniwan ni Rebecca sa kanyang anak noong sanggol pa ito.
Obviously, si Elisse ang magiging kontrabida sa buhay ni Eva samantalang ang magkapatid sa amang sina Inno (Joshua Garcia) at Oliver (Jameson Blake) naman ay magpapaligsahan sa panliligaw kay Eva.
Halatang si Inno ang gusto ni Eva, pero tiyak na hindi papayag si Oliver na hindi sa kanya mapunta ang dalaga kaya lahat ay gagawin niya.
Going back to Elisse ay bagay pala sa kanya ang maging mataray at challenging na role kaysa laging pa-sweet. Mas okay din para sa amin na wala siyang ka-loveteam para hindi limitado ang projects niya.
Maging si Jameson din ay walang permanenteng ka-loveteam kaya naman kaliwa’t kanan ang projects.