Magulang ni Hiro Peralta huli sa buy-bust

NAARESTO sa isang buy bust operation sa Quezon City ang mga magulang ng aktor na si Hiro Peralta.

Sina Engelbert at Jean Peralta ay naaresto kahapon ng umaga kasama si Ronnie Telan sa Brgy. Bagbag, Novaliches.

Si Engelbert ay dati na umanong naaresto dahil sa ipinagbabawal na gamot at sumuko rin sa Oplan Tokhang.

Nakabili umano ang police poseur buyer ng P500 halaga ng shabu kay Engelbert.

Nang hulihin ay narekober ang 19 na sachet na pinaniniwalaang shabu ang laman. Nagkakahalaga ito ng P34,000.

Itinanggi ni Jean na nahuli siya sa operasyon, naglalaro umano siya ng bingo at paglabas ay inaresto na. Paminsan-minsan lang din umanong gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ang kanyang mister, ayon sa kanyang pahayag sa harap ng kamera.

Itinanggi rin ni Telan ang alegasyon at sinabi na nagpaparenta lamang siya ng sasakyan.

Read more...