Luis mas excited pa sa MMFF 2018 movie ni Jessy


NANGUNA si Luis Manzano sa pagpo-post ng official poster ng “The Girl In The Orange Dress” na pinagbibidahan ng kanyang girlfriend na si Jessy Mendiola.

Ito ang isa sa mga official entry sa upcoming 2018 Metro Manila Film Festival mula sa Quantum Films.

Paeklay na caption ng TV host-actor sa kanyang Instagram page, “Can’t wait to meet the girl in the orange dress. Soon!!!”

Sinegundahan naman ito ni Marvin Agustin na nagsabing gusto niyang mapanood ang filmfest entry ni Jessy dahil sa naririnig niyang great things about the movie. Komento nga ni Marvin, “Napakasuwerte naman nung boypren ng naka orange dress.”

Tugon naman sa kanya ni Lucky, “Amennn!!!”

In case you still don’t know, may special participation si Luis sa movie. Pero hindi siya magsasayaw dahil ibinalato na niya ‘yon kay Jericho Rosales na makakatambal ni Jessy sa pelikula.

Kayang-kaya namang sumayaw ni Luis pero hinayaan na lang daw niya ang pagsasayaw ng tango kina Jessy at Echo.

Bukod sa guest appearance ni Luis, may guest role din sa Quantum Films’ MMFF entry sina Derek Ramsay, Jennylyn Mercado at marami pang iba.

This December, 2018, orange is the new color of Christmas!

Read more...