NAGTAAS ng tropical cyclone warning signal ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration sa Luzon, Visayas at Mindanao kaugnay ng papalapit na bagyong Samuel.
Itinaas ang signal no. 1 sa Masbate (Luzon), Samar, Eastern Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, Bohol, Cebu, Siquijor, Negros Oriental at Negros Occidental (pawang sa Visayas), Surigao del Norte, Surigao del Sur, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands, Misamis Oriental at Camiguin (pawang nasa Mindanao).
Bahagya ring bumilis ang bagyo na umuusad na ng 25 kilometro bawat oras mula sa 15 kilometro bawat oras.
Ngayong hapon, ang bagyo ay nasa layong 505 kilometro sa silangan Hinatuan, Surigao del Sur.
May hangin ito na umaabot sa 55 kilometro bawat oras ang bilis at pagbugsong 65 kilometro bawat oras.