Koreano sugatan nang salpukin ng UV ang 3 taxi | Bandera

Koreano sugatan nang salpukin ng UV ang 3 taxi

Leifbilly Begas |November 19,2018
facebook
share this

Koreano sugatan nang salpukin ng UV ang 3 taxi

Leifbilly Begas - November 19, 2018 - 02:57 PM

SUGATAN ang isang Korean national na nabangga ng isang UV Express na minamaneho ng isang lasing, habang naghihintay ng masasakyan sa Quezon City kaninang umaga.

Nagtamo ng sugat sa ulo at katawan ang biktimang si San Yung Ma.

Nanlaban naman sa mga pulis ang driver na si Dennis Balucan nang hulihin ng mga rumespondeng pulis.

Alas-2 ng umaga nang banggain ni Balucan ang tatlong taxi na nakaparada sa Timog Ave., alas-2 ng umaga. Nakatayo sa labas ang Koreano na naghihintay ng masasakyan.

Ayon kay Lucinero Elle nakainom siya at ang suspek. Nakiusap umano ito kay Elle na siya na ang magmamaneho. Gusto umano niyang magpraktis upang matutong magmaneho.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending