Beauty, Enzo gagawa ng horror movie sa Dumaguete


PATULOY  sa paghataw ang BG Productions International ni Madame Baby Go. Katatapos lang ng pelikula nilang “Latay” na pinagbibidahan nina Allen Dizon at Lovi Poe mula sa direksyon ni Ralston Jover. At sa susunod na buwan naman ay uum-pisahan na ang horror-gothic film ni Direk Joey Romero na kukunan pa sa Dumaguete.

“Passion ko na talaga ang pagpoprodyus ng pelikula. Hindi mawawala sa sistema ko ang paggawa ng pelikula sa aking kompanya. Matagal ko ng pangarap ang makapag-produce ng horror film at nakakatuwa na sa Dumaguete kukunan ang mga eksena kung saan ako ipinanganak at lumaki,” sabi ni Ms. Baby Go.

Ang Kapamilya stars na sina Beauty Gonzales at Enzo Pineda ang bibida sa bagong movie ng BG Productions International which is tentatively titled “Hipnotismo.” Kasama rin sa movie sina Polo Ravales, Ms. Universe 3rd Runner-up Ariella Arida at Mr. World Philippines JB Saliva.

May special role rin sa pelikula ang ilan sa BG talents tulad nina Kate Brios, Wayne Calderon at Winter Calderon.

Ang “Hipnotismo” ay kwento ng newlywed couple (Beauty and Enzo) na nag-honeymoon sa Dumaguete. Sa pagtira nila sa lumang bahay ay daraan sila sa mga nakakakilabot na karanasan na muntik na nilang ikapahamak.

Samantala, tumanggi namang magsalita si Beauty tungkol sa kanyang kaibigan na si Ellen Adarna at sa bago nitong papel sa buhay bilang partner ni John Lloyd Cruz at ina ni Elias. Pero nilinaw niya na nananatili silang magkaibigan ni Ellen up to now.

Ang mas pinagkakaabalahan ng isip ni Beauty ay ang magiging schedule niya sa susunod na buwan. May ongoing teleserye kasi siya sa Dos, ang Kadenang Ginto, at ang shooting niya for “Hipnotismo” kung saan naka-lock-in sila sa Dumaguete.

At the same time, naha-happy din siya dahil magtatrabaho siya sa kanilang lalawigan. Kaya walang worry si Beauty na isama ang kanyang anak sa Dumaguete habang nagsu-shooting doon. May mga kamag-anak kasi siya na pwede niyang pagkatiwalaan na magbantay at mag-alaga sa kanyang baby.

Read more...