'Sa husgado ng bayan ay talung-talo na ang idinemanda ni Kris' | Bandera

‘Sa husgado ng bayan ay talung-talo na ang idinemanda ni Kris’

Cristy Fermin |November 19,2018
facebook
share this

‘Sa husgado ng bayan ay talung-talo na ang idinemanda ni Kris’

Cristy Fermin - November 19, 2018 - 12:10 AM

KRIS AQUINO

HABANG nagtatago sa Thailand ang kinasuhan ni Kris Aquino ng 44 counts ng qualified theft ay ang kanyang kapatid na si Attorney Jess Falcis ang sumasangga sa lahat ng mga batong ipinupukol laban sa kanya.

Nagpapakadakilang ka-patid si Attorney Jess para kay Nicardo Falcis II, partner nu’n ng aktres-TV host sa kanilang produksiyon, dahil ang abogado ang lumalagok ng apdo at nagpapapak ng ampalaya ngayon sa social media.

Kung nakamamatay lang ang masasakit na salita ay kailangan na talagang umuwi ni Nicko hindi lang para buong-tapang na harapin ang kanyang giyera dito sa Pili-pinas kundi para makipaglamay sa kanyang kapatid.

Pero kauna-unawa naman ang mga ginagawang pagsangga ni Attorney Jess kay Nicko, magkadugo sila, iisang sinapupunan lang ang kanilang pinagmulan. Ang bintang kay Nicko ay napakasakit na sugat na nagpapaaray sa buo nilang pamilya.

Sa panahong ito, para lang maisalba ang imahe at mukha ng kanyang kapatid, ay kakapit kahit sa kapirasong tingting ang abogado para huwag lang malunod ang kanyang kuya.

Kaya nga lang, sa husgado ng bayan ay talung-talo sila dahil kahit pisong kinuha nang walang paalam sa may-ari ay itinuturing pa ring pagnanakaw.

At hindi parang networking ang pagkakasangkot sa asunto. Hindi puwedeng may downline ang humaharap at sumasagot sa mga tanong.

Ang demandado mismo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending