ASIA’S King of Talk—who else but—Boy Abunda may not be aware na may ilan palang mga beking dyumo-join ng mga beau-con ang nai-intimidate sa kanya lalo’t either siya ang magsisilbing host o uupo bilang isa sa mga hurado.
Jorgel, a gay neighbor in Pasay City, comes from Calapan City, Oriental Mindoro. Come December 1, ayon kay Jorgel, Kuya Boy will host the Gay OrMin Queen to be held at a school in the provincial capital.
Hindi man kasali si Jorgel, his friends from the different towns compete in one of OrMin’s major activities. Pero ngayon pa lang daw ay kabado na ang mga be-king kalahok, “Baka hard si Tito Boy.”
Partikular na kinatatakutan daw ng mga gay candidates ang tindi ng mga tanong ni Kuya Boy na walang iniwan sa kanyang ginagawa sa mga talk shows. Baka raw ang ending, umurong ang dila ng mga beki dahil nagka-mental block.
Sabi namin kay Jorgel na sabihin sa kanyang gay friends na malayung-malayo ‘yon sa personalidad ng TV host. Isa lang ang tiyak na ia-advise ni Kuya Boy sa mga ito next to putting their best foot forward on the pageant night lalo na sa Q & A segment: Be yourself.
Knowing Kuya Boy, how he wishes he’s also in the competition pero sa Q & A portion lang (charot!).
Samantala, how true na ang kinukuhang mag-judge na si Juliana Segovia (Miss Q & A’s grand winner) ay hindi na makakasipot?
Tsika ni Jorgel, ang sinisingil daw ni Juliana through Star Magic (which now handles his career) ay tumataginting na P200 thou. Hindi raw afford ‘yon ng organizers.
So afford nila ang TF ni Kuya Boy? “Dinig ko, si Tito Boy pa ang nag-sponsor!” sey ni Jorgel.
As is always the case.
q q q
There’s no denying the fact na bali-baligtarin man ang mundo, si Manila City Mayor Joseph “Erap” Estrada ay produkto ng showbiz. Utang niya sa showbiz ang matagumpay niyang crossover sa larangan ng pulitika.
Anchored on this premise, Ervin, pasok sa banga ang item na ito tungkol kay Erap sa showbiz page. Isang dating kasamahan nating showbiz reporter na si Andi Garcia, is now a beat reporter covering the Manila City Hall.
Identified si Andi at iba pa niyang mga kapwa Machra (reporters’ association) members kay dating Manila Mayor Alfredo Lim. Si Lim ang makakabangga ni Erap at ni Isko Moreno sa pagkaalkalde sa susunod na eleksiyon.
Nag-post kasi si Andi sa Facebook tungkol sa kumakalat na letter bilang suporta kay Erap. Mula ito sa mayor’s office addressed sa lahat ng mga kapitan ng 896 barangay sa buong Maynila (puwera pa ang umano’y 27 ghost barangay na iniimbestigahan ng DILG).
Anim na distrito ang sumasakop sa bilang na ‘yon. Ani Andi sa kanyang post, nire-reclassify ngayon ang mga kapitan according to their mayoral choice. Kung dati’y mga tagasuporta sila nina Lim, Atienza at Moreno (kabilang ang mga undecided), sa nasabing pledge of loyalty and support ay dapat iisa lang ang handa nilang suportahan: si E-rap.
Tinawag na “garapalan” ni Andi ang kalakarang ito. It appears to be a tall order or else…
Hindi rehistradong botante ng Maynila ang inyong lingkod. Taga-Pasay City kami pero walang ganitong umiikot sa 201 barangay na sumasakop sa dalawang distrito sa aming lungsod.
Ang pagkakaalam kasi nami’y non-partisan ang mga barangay pagdating sa electoral exercise. Sa madaling salita, hindi dapat ma-identify ang isang barangay sa iisang kandidato (but this is no longer so, even the city hall employees who are supposedly non-partisan ay bine-brainwash na rin).
May disadvantage din kasi ang identification. Paano kung hindi pinalad ang sinusuportahan mong kandidato? Malamang na pag-initan ka ng uupong mayor at ipitin ang nakalaang budget para sa mga proyekto mo.
Ang nasabing sistema ay maliwanag na loyalty check sa mga kapitan, make it mandatory. Hindi ito isang demokratikong exercise dahil sinisikil nito ang kalayaan ng mga community leader na pumili ng karapat-dapat na mamuno ng lungsod.
Bagama’t hindi naman talaga masasawata ang ganitong sistema at kultura, ‘di kami sang-ayon sa sulat ng pagsuporta na galing pa mandin sa opisina ni Erap. Ano ‘to, brasuhan nang bonggang-bongga?
Definitely an insult to the community leaders’ sensibilities.