TNT Boys sa gender issue: Hindi kami apektado kasi hindi kami ganu’n
Even at their age, TNT Boys Francis Concepcion, Mackie Empuerto and Keifer Sanchez already knew how to parry off sensitive questions.
This, they displayed during the presscon for their concert “Listen: The Big Shot Concert” on Nov. 30 sa Araneta Coliseum.
We admire their bravery for answering one question about their sexuality. How they reacted to rumors na may pagkabading sila is truly admirable.
“Hindi po namin pinapansin ang mga ganyan. ‘Pag binabasa po namin, ah, parang wala lang,” Keifer said.
“Bakit po kaya kailangan nilang gawin ‘yon, ‘no? Daming hate sa mundo,” say ni Mackie.
“May problema po kaya sila?” Francis asked.
To probably lighten up the banter, Mackie sang a few lines of one popular song, “Maalaala mo kaya…?”
“Hindi po kami apektado kasi hindi po kami talaga ganu’n. Bakit po kami magre-react, eh, hindi po kami talaga ganon? E, di wow!” say ni Mackie.
The three were also asked kung naranasan na nila ang mangaroling tuwing Christmas season. “Opo kasi po sa lugar namin marami pong bahay. Nililibot po namin ‘yun,” Mackie said.
And then Mackie sang a few lines ng favorite caroling song niya, “Sa may bahay ang aming bati, Merry Christmas na mamalati.”
Nang ikorek siya at sinabing maluwalhati ang tamang salita, Mackie said, “Medyo matagal na pala akong mali.”
Makakasama nila sa concert sina Vice Ganda, Jed Madela, K Brosas.
Bukod sa weekly appearance nila sa ASAP, may handog din silang regalo sa kanilang mga tagahanga ngayong Pasko dahil magre-release sila ng Christmas album na pinamagatang “TNT Boys Christmastime” sa ilalim ng TNT Records kung saan bibigyan nila ng panibagong tunog ang ilan sa mga pinakasikat na classic Christmas songs.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.