Elisse handa nang ma-bash ng JoshLia fans: Sanay na ‘ko!

ELISSE JOSON , JOSHUA GARCIA AT JULIA BARRETTO

Pumasok na ang Roxanne Constantino character ni Elisse Joson sa Ngayon At Kailanman.

“Si Roxanne Constantino ay kababata ni Inno (Joshua Garcia). Lolo ko si Mang Botong, ang nagturo kay Inno na gumawa ng mga glass. Bumalik ako sa lugar namin na kung tutuusin ang tagal kong hindi binalikan,” pagpapakilala ni Elisse sa kanyang character.

Sa trailer pa lang ay nagmarka na ang character ni Elisse dahil “pinatungan” niya si Inno.

“Nagulat din ako. Patong, patong. Noong nagbasa ako ng script, actually nakasulat na siya sa script kasi sometimes wala sa script at sasabihin lang ng director gawin mo ito, gawin mo ‘yan. Pero ‘yung part na ‘yun naka-state na specifically. So, ang sabi ko, talaga iyon ang meant for the scene.

“Ako naman po kahit na first time kong magganoon ng mga klaseng eksena, ako naman, game naman po ako kasi when I got the role sabi ko sa sarili ko I’m gonna do everything to make the role good,” paliwanag niya.

Given her character, kontrabida ba siya? “I guess you could say that kasi nga po parang ‘yung character ko ay may pinanggagalingang malalim kung bakit siya ganoon. And ang nangyari, dahil sa past niya, sa kinalakihan niya, ‘yun ‘yong front niya.”

With that, is she ready to be bashed by JoshLia fans? “Well, since I got the role, in-expect ko na may mga bash, may mga hindi makakatanggap ng pagpasok ko sa story. Pero ako po I am just doing my job. Sa akin, ‘yung bash na ‘yan super sanay na po ako diyan.”

Read more...