Gov’t exec wala pa ring ginawa kundi magkulong sa hotel room

DA who ang isang government executive na laging isang linggo kung mag-advance party sa mga foreign trips, pero wala namang ginawa kundi magkulong sa kanyang hotel room?

Wala pa ring pinagbago ang opisyal kahit na kaliwa’t kanan ang banat sa kanya sa kanyang hindi magandang bisyo.

Matapos ang ilang taon, sanay na sanay na ang government executive sa kanyang istilo.

Bukod kasi sa kanyang style na mag-advance party ng isang linggo sa mga biyahe, lagi itong may buntot na kung hindi ang anak ay ang kanyang kapatid.

Siyempre kung isang linggo siyang advance sa bansang pupuntahan ng kanyang pinagsisilbihan, napakalaki rin ng kanyang cash advance.

Ewan kung anong hokus pokus ang kanyang ginagawa sa kanyang liquidation sa Commission on Audit (COA)dahil kilalang mahigpit ang ahensiya.

Taliwas din ang kanyang ginagawa sa kanyang dapat na trabaho dahil lahat ay kanyang inaasa sa mga mas mababa sa kanya.

Naturingan na ang kanyang trabaho ay may kinalaman sa pakikipag-ugnayan, hindi naman ito visible sa mga tao.

Hindi tuloy malaman kung paano ginugugol ng opisyal ang kanyang oras dahil inaasa ang lahat sa mga tao niya.

Laging nganga tuloy ang opisyal kapag tinatanong ng mga impormasyon na may kaugnayan sa kanyang trabaho.

Gusto nyo ba ng clue? Dati nang na-ban si government exec sa mga chartered flight matapos namang ipag-utos ng isa pang influential figure.

Halatang threatened din ang exec matapos namang italaga ang isa pang opisyal na kapareho ng kanyang ranggo at ng trabaho.

Inaantay tuloy na magsimulang magtrabaho ang bagong exec para magkaalaman kung mas magiging maayos na ang serbisyo ngayon na siya na ang nakaupo.

Isa pang clue, magkaibang kumpanya ang pinanggalingan ng dalawang opisyal pero pareho ang kanilang dating linya ng trabaho.

Read more...