Andy Murray tinanghal na kampeon sa Wimbledon

LONDON — Natapos ang 77-taong paghihintay ng Great Britain na magkaroon ng men’s champion sa Wimbledon kahapon matapos na tanghaling kampeon si Andy Murray.

Sinabayan ng maingay na pagsigaw at palakpakan sa bawat laro, tinalo ni Murray sa isang dikdikang finals match si Novak Djokovic sa harap ng 15,000 manonood na nasa Centre Court ng All England Club sa iskor na 6-4, 7-5, 6-4.

Hindi naging madali ang pagwawagi ni Murray sa ikalawang major Grand Slam title ng kanyang career at ito ang ikalawa niyang pagkakataon na tumapak sa finals sa pinagpipitaganang grass-court tournament sa Great Britain matapos na matalo kay Roger Federer nitong nakaraang taon.

Kinailangan ni Murray ng ikaapat na championship point para talunin si Djokovic na tumira ng backhand shot na tumama sa net upang ipagkaloob sa Briton ang pagwawagi.

At sa pagwawakas ng laban ay nagbunyi si Murray kasama ang buong Great Britain. “That last game will be the toughest game I’ll play in my career. Ever,” sabi ni Murray, na isang Scottish tennis player. “Winning Wimbledon — I still can’t believe it. Can’t get my head around that. I can’t believe it.”

Bago ang panalo ni Murray, wala pang British man ang nagwagi sa Wimbledon magmula nang magwagi si Fred Perry noong 1936.

“I wanted to try and win this for myself,” sabi ni Murray sa madlang nanood ng laban habang hawak ang kanyang bagong gold trophy, “but also I understand how much everyone else wanted to see a British winner at Wimbledon, so I hope you guys enjoyed it.”

Hinalintulad naman ng master of ceremonies ang closing game na “tortuous to watch,” habang nakangiting sinagot ito ni Murray na, “Imagine playing it.”

Matapos na makuha ni Murray ang huling puntos ng laban, binitawan ng bagong kampeon ang kanyang raketa bago itinaas ang kanyang mga kamay at napasigaw ng malakas.

Sinipa rin nito ang bola papunta sa entablado. Napaluhod si Murray at tinakpan ang mukha bago lumakad patungo sa kanyang mga fans para makipag-high-five sa mga ito.

Read more...