Viral na ‘to: Bikini selfie ni Yam Concepcion pinagpiyestahan

YAM CONCEPCION

Viral ngayon sa social media ang bikini selfie ng Kapamilya sexy actress na si Yam Concepcion.

Kahapon, nagpiyesta ang mga netizens, lalo na ang mga kalalakihan sa sexy photo na ipinost ni Yam sa kanyang Instagram account suot ang kanyang red two piece bikini.

Habang sinusulat namin ito, nakakuha na ng mahigit 149,000 likes at more than 2,600 comments na ang bikini mirror selfie ni Yam. Ilang celebrities din ang humanga sa kaseksihan ng dalaga kabilang na sina Alessandra de Rossi, Dominique Roque, KitKat, Hero Angeles at Say Alonzo.

In fairness, talagang kinakarir ng lead actress ng seryeng Halik ang pagpapaganda ng katawan dahil bukod sa kanyang diet, regular din ang workout niya sa gym.

Read more...