Ronnie Liang 12 years na sa showbiz; may bagong project kasama si Sarah | Bandera

Ronnie Liang 12 years na sa showbiz; may bagong project kasama si Sarah

Ervin Santiago |November 18,2018
facebook
share this

Ronnie Liang 12 years na sa showbiz; may bagong project kasama si Sarah

Ervin Santiago - November 18, 2018 - 12:20 AM

RONNIE LIANG AT SARAH GERONIMO

LOOKING forward ang singer-actor na si Ronnie Liang sa unang collaboration nila ng Pop Royalty na si Sarah Geronimo na matagal na raw niyang pinapangarap.

Ayon sa binata, magkakaroon sila ng duet ni Sarah G very soon under Viva Records. Naghahanap na sila ng magandang materyal para sa kanilang first song together.

“Natuwa nga po si Sarah. Nangumusta siya, at siya rin po ang nag-follow up kung ano ang babagay na song sa aming dalawa,” pahayag ni Ronnie nang makachikahan namin recently.

Sey pa ng binata, “Original song. Iyon din ang gusto niya. Kung puwede raw, original. Love song. Mga hugot. ‘Yung parang ‘Say Something’ ng A Great Big World at ni Christina Aguilera. o kaya ‘Perfect’ nina Ed Sheeran at Beyonce. Ganu’n, pero Tagalog, OPM.”

Isa si Ronnie sa mga Viva artist na laging nakakasama sa mga concert ni Sarah sa ibang bansa at talagang bilib na bilib daw siya sa galing ng dalaga kapag nagpe-perform na on stage. Napakasimpleng tao raw nito pero “halimaw” kapag nasa concert stage na.

In fairness, sa first batch ng reality talent search noon ng ABS-CBN na Pinoy Dream Academy, sila na lang ni Yeng Constantino (grand winner) ang active sa showbiz. Hindi rin kasi siya nawawalan ng proyekto sa Viva kaya very visible pa rin siya lalo na sa mga out of the country shows.

“I’m very thankful, I’m still here. Ang daming artista at mga bagong singer na pumapasok, pero until now nandito pa rin ako, nararamdaman pa rin nila ako. Tsaka kung dati kanta lang, ngayon umaarte na rin,” pahayag pa ni Ronnie na mas lalo pang naging hunky ngayon.

Ibinalita rin ni Ronnie na lumabas na rin ang bago niyang album titled “Ronnie Liang”. Sa cover ng album ang “R” sa “Ronnie” ay ginawang “12” dahil malapit na rin niyang i-celebrate ang kanyang 12th anniversary sa showbiz. May 10 tracks ang album kasama na ang minus one ng lahat ng kanta.

“Tila” ang kanyang carrier single na binigyan ng bagong tunog at areglo na kinanta noon ni Clara Benin. Ang iba pang songs sa album ay ang kanyang version ng “Ligaya,” “Yakap,” “Sa ‘Yo Na Lang Ako,” at “Pakisabi Na Lang” ng The Company.

Natanong naman si Ronnie kung ano pa ang gusto niyang mangyari sa kanyang career ngayong 12 years na siya sa industriya, “Nangangarap po akong magkaroon ng lead role sa isang serye. Another hit song. Successful concert. Movie rin sana na ako ‘yung lead.”

Dagdag pa niya, “Naniniwala naman po ako sa God’s perfect timing at minsan ganu’n talaga, you have to wait. Pero ngayon I’m very thankful sa lahat ng blessings. Lalo na sa Viva at sa lahat ng mga taong patuloy na sumusuporta sa akin.”

At alam n’yo ba na kahit matagal na niyang nai-record ang kan-yang hit song na “Ngiti” kumikita pa rin siya rito dahil sa royalty. Hanggang ngayon kasi ay pinatutugtog pa rin ito sa mga radio station at ginagamit na theme song at jingle sa mga commercial.

Samantala, sa lahat ng fans ni Ronnie, maaari n’yo siya uling makita up close and personal sa kanyang upcoming show sa Sta. Rosa Sports Complex sa Nov. 30 at sa March naman magaganap ang kanyang major solo concert sa New Frontier Theater (dating KIA Theatre) kung saan si Sarah G naman ang magiging special guest.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Next year, makakasama rin siya sa pelikula ni Cristine Reyes under Viva Films. At hoping din ang binata na very soon ay magkakaroon uli siya ng bagong teleserye.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending