Arjo Atayde sa estado ng kanyang lovelife: Masaya naman po ako…

ARJO ATAYDE AT MAINE MENDOZA

HINDI diretsong sinagot ng Kapamilya actor na si Arjo Atayde ang tungkol sa umano’y relasyon nila ni Maine Mendoza nang matanong pagkatapos niyang mag-renew ng kontrata sa Kapamilya Network.

Sa panayam ng ABS-CBN kay Arjo happy naman ang estado ng kanyang lovelife ngayon pero tumanggi siyang pangalanan ang girl, “Masaya po. Masaya ako.”

Ang paniwala ng ilang fans ni Maine at ng supporters ni Arjo, mukhang may “something” na ngang namamagitan sa kanilang dalawa. Ilang beses na rin kasing napabalitan na nagde-date ang dalawa, ang huli nga ay ang chika na magkasama silang nagbakasyon kamakailan sa Bali, Indonesia, kung saan nag-celebrate ng kanyang 28th birthday si Arjo noong Nov. 5.

Kung matatandaan, halos ganito rin ang sagot ng Phenomenal Star nang matanong sa isang event about her lovelife. Ani Maine, “I’m happy and inspired.”

Samantala, thankful naman si Arjo dahil may kontrata na siya finally sa ABS-CBN, “After almost seven years nakapirma na rin ako sa network. So, I’m very, very happy.”

Makakasama siya sa upcoming series na The General’s Daughter na pinagbibidahan ni Angel Locsin, “Very, very thankful for every blessings. It’s a blessing, I’m happy talaga.”

Bukod dito, ka-join din siya sa 2018 MMFF entry na “Jack Em Poy: Puliscredibles,” starring Vic Sotto, Coco Martin and her rumored girlfriend na si Maine.

Read more...