SPEAKING of LGBTQ, nagsimula na last Nov. 14 ang inaabangang Quezon City International Pink Film Festival 2018 kung saan tampok ang mga makabuluhang gay themed-movies.
Naging opening movie ng taunang filmfest ang documentary ng “50 Years Of Fabulous” directed by Jethro Patalinghug na ginanap sa Gateway Cineplex. Tinatalakay nito ang history ng Imperial Council, the eldest LGBT charity organization sa buong mundo.
Present sa opening night si Direk Jethro kasama ang isa sa mga bida ng docu-movie na si Khmera Rouge, at ang Festival Director na si Nick Deocampo. Napanood namin ang pelikula at masasabing isa itong eye opener dahil ito ang magmumulat sa lahat tungkol sa history ng LGBT community.
Bukod sa “50 Years Of Fabulous”, isa pang documentary film tungkol sa murdered transwoman na si Jennifer Laude and the quest to give her justice ang ipinalabas sa UP Cine Adarna, ang “Call Her Ganda” ni PJ Raval.
These are just two of the featured movies which will be screened at the Quezon City International Pink Festival na tatagal hanggang Nov. 25, which aims to empower members of the LGBTQ community and raise awareness about the issues that are affecting them.
Mahigit 60 local and international feature-length, short and documentary films ang mapapanood this year sa mga sinehan sa Gateway Mall, sa Cubao (Nov. 14 – 17); UPFI Film Center, Cine Adarna sa Diliman (Nov.19 – 21), at Cinema Centenario on Maginhawa Street, Teacher’s Village (Nov. 22 – 25).
Narito ang ilan pang pelikula na maaaring mapanood sa QC Pink filmfest 2018: “Ded na si Lolo (Grandfather is Dead)” ni Soxy Topacio, starrong Roderick Paulate, Gina Alajar, Elizabeth Oropesa at Manilyn Reynes; “Si Chedeng At Si Apple”; “Leitis in Waiting” nina Dean Hamer at Joe Wilson; “Liquid Truth” ni Carolina Jabor; “Mr. Gay Syria” ni Ayse Toprak; “Rome And Juliet”; It Runs In The Family”; “Ang Pagdadalaga Ni Maximo Oliveros”; “Boys For Sale” ; “The Driver” at marami pang iba.
Bukod sa screening ng mga LGBT movies, magkakaroon din ng workshop at seminar ang organizers ng QC Pink filmfest tungkol sa HIV/AIDS at kung paano mapoprotektahan ang mga karapatan ng mga miyembro ng LGBTQ community.
For other inquiries, follow n’yo lang ang social media pages ng QC Pink filmfest at gamitin ang hashtag #PINK2018.