Horoscope, November 16, 2018 | Bandera

Horoscope, November 16, 2018

Madam Sophia |November 16,2018
facebook
share this

Horoscope, November 16, 2018

Madam Sophia - November 16, 2018 - 02:54 PM

Para sa may kaarawan ngayon: Hindi ka seryoso sa buhay kaya hindi ka nagtatagumpay. Seryosohin mo lang ang lahat ng bagay, makikita mo, magagawa mong yumaman at lumigaya sa buhay na ito. Mapalad ang 4, 16, 25, 22, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Mohah-Mokah-Yotah.” Green at red ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) — Isang nilalang na medyo maikli ang buhok ang magbibigay ng suwerte. Siya ang mahiwagang tao na tutulong sa iyo upang malutas ang lahat ng iyong mga problema. Sa pag-ibig, habang lumapit ang kapaskuhan higit kang magiging kaakit-akit at malinamnam. Mapalad ang 5, 14, 23, 37, 39 at 41. Mahiwaga mong mantra: “Karma-Yoga-Om.” White at pink ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — Labis lamang ang pagmamahal sa iyo ng kasuyo kaya siya nagdaramdam. Romansahin siya nang todo upang mawala ang pagkapraning. Sa pinansyal, kalakal na may kaugnayan sa pagkain ang negosyong magpapayaman. Mapalad ang 6, 15, 24, 34, 37 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Malka-Om.” Blue at red ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Uunlad ka kung maitutuwid at maitama mo muna ang iyong mga pagkakamali. Disiplina sa sarili ang unang kailangan upang magtagumpay at lumigaya. Simulan mo na ngayon! Mapalad ang 4, 13, 21, 28, 37, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Jagat-Guro-Dosya-Om.” Yellow at green ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — Paghandaan ang papalapit na kapaskuhan. Kahit mahirap ang buhay, bigyan ng isang masayang pasko ang iyong mga mahal sa buhay. Kahit na medyo kuripot ka, pilitin mong magkaroon kayo ng simple pero masayang Noche Buena. Mapalad ang 8, 17, 26, 35, 43, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namoh-Om-Nameh” Lilac at orange ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — Sa pagsusungit walang biyayang makakamit. Panatiliin ang pagiging mabait. Habang nagpapakabuti lalo namang uunlad at higit na mas magiging maligaya ang buhay. Sa pag-ibig, ibigay sa minamahal ang husto at dalisay na pag-ibig. Tandaang ang kaligayahan niya ay kaligayahan mo rin. Mapalad ang 5, 17, 26, 35 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Anilam-Bastam-Idam-Om.” White at blue ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — May magte-text! Isang dating kaibigan ang mangungutang – wag mo na lang replayan. Kunwari di mo na-receive. Sa pinansyal, unahin ang kinabukasan ng pamilya kaysa sa ibang tao. Sa pag-ibig, isang kasamahan sa trabaho ang unti-unti ng nagkakagusto sa iyo ng palihim. Makikilala mo siya sa darating na Christmas party. Mapalad ang 3, 15, 30, 39, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Visnu-Veda-Visnu-Vidya.” Pink at green ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — Suriing mabuti ang laman ng damdamin. Wag magpadala sa kapusukan. Lalong uunlad ang kabuhayan kung iiwasan ang kaimoralan. Sa pag-ibig, tandaang: “ang katapatan ang simula ng kaligayahan.” Mapalad ang 1, 18, 24, 33, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Krisna-Rama-Om.” Red at blue ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Kakaibang pag-ibig ang mararanasan, maaaring ito na ang hinihintay mo – sunggaban agad. Sa pinansiyal, unti-unting aangat ang graph ng pag-unlad sa aspetong pananalapi habang lumalamig ng lumalaig ang madaling araw. Mapalad ang 1, 13, 28, 36, 42, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Atma-Avidya-Aroha-Om.” Maroon at purple ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Upang suwertehin, mag-alaga ka ng kahit na anong uri ng hayop. Sa negosyo, mag-display ng larawan ng kahit anong hayop sa iyong business site. Sa pag-ibig, regaluhan ang kasuyo ng isang kuwintas na may disenyong ibon upang kapwa kayo suwertehin. Mapalad ang 6, 15, 23, 26, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Naikarma-Nirguna-Om.” Navy blue at green ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) — ‘Wag hayaang tumaba at maging chubby ang pangangatawan, sa ganyang itsura ay maaaring palitan ka ng iyong kasuyo. Panatiliin ang pagiging sexy upang lalong lumigaya at mag init ang pakikipag-relasyo sa isang Cancer. Mapalad ang 6, 18, 27, 39, 42 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum-Aum.” Orange at red ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Likas kang suwerte hindi mo lang napapansin! Subukang makipag-sapalaran sa ibayong dagat upang magbago ang kapalaran. Sa pag-aabroad, matatagpuan ang true love at mas mabilis na pag-unlad. Mapalad ang 5, 17, 23, 31, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Sucti-Suras-Asuras-Om.” Beige at lilac ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20) — Kung nagkamali na dati wag ng ulitin pa. Ang paulit-uilit na pagkakamali ang magdadala sa iyo sa kalungkutan at kaibiguan. Sa pag-ibig, isaisantabi mo na ang puso, salapi ang higit na mas mahalaga lalo na’t malapit na ang pasko. Mapalad ang 1, 14, 19, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guri-Deva-Om.” Emerald green at red ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending