MAGANDANG araw po. Gusto ko lang po na i-consult sa inyo ang tungkol sa pinapasukan kong silogan or tapsilogan.
Sa kabuuan ay meron po siyang mahigit sa 20 manggagawa at marami pong franchise sa iba’t ibang lugar dito sa Pilipinas.
Pero ang gusto ko po na itanong ay tungkol sa benefits namin.
Delay na nga po ang sahod namin, wala pa kaming SSS, Pag-IBIG, PhilHealth at walang binibigay na payslip. Ipinapakita lang po samin pag sasahod kami. Hindi pwedeng iuwi ang free food.
May P100 kaming allowance for food pero 12 hours ang duty. Ang rate po namin is P348.
Ano po ang pwede naming gawin o pwede po bang kasuhan ang may-ari ? Sana po sa pamamagitan ng inyong column ay mabigyan kami ng payo ng DOLE.
Salamat po in advance sana po mapansin. Good day.
REPLY: Maraming salamat sa pagliham.
I suggest you and your co-workers should file a request for inspection for the said business establishment at DOLE field office which has jurisdiction over the matter.
Labor inspectors shall visit the establishment to check or investigate its alleged irregularities or non compliance to Labor Standards.
Yours truly,
CATHERINE MARIE E. VILLAFLORES, MDM, MA, Ed. D.
Chief Administrative Officer
DOLE 1349 Hotline Supervisor (Designate)
Information and Publication Service
Department of Labor and Employment
Central Office
Muralla St., Intramuros, Manila 1004
Tel.No. (02) 527-3000 local 626
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.