8 years na LDR, mauuwi na kaya sa wala? | Bandera

8 years na LDR, mauuwi na kaya sa wala?

Beth Viaje |November 16,2018
facebook
share this

8 years na LDR, mauuwi na kaya sa wala?

Beth Viaje - November 16, 2018 - 12:10 AM

DEAR Ateng Beth,

Matagal na po kaming hindi nag-uusap ng BF ko. LDR po kami. Eight years na kami pero dun sa eight years na yun, hindi naman po palaging LDR.

May two years din siya dito sa Pilipinas at naging maayos ang naging relasyon namin.

Ngayon, five months na ang nakakaraan mula nang huling usap namin sa FaceTime.

Di ko alam kung bakit nagkaganito. Wala naman po kaming pinagtalunan o hindi naman kami nag-away.

Parang Ok lang sa amin na di mag-usap nang matagal. Pero lately, naisip ko hindi dapat ganito ang relasyon.

Hindi na kaya namin mahal ang isa’t isa? Bakit namin natitiis ang hindi mag-usap nang matagal? Ayaw kong isipin na hindi na niya ako mahal at ako rin sa kanya. Payuhan mo ako ateng Beth. Salamat. —Nina

Mahirap talaga ang LDR. Number one d’yan na kailangan ay open communication.

So kung di na kayo open, di pa kayo nagko-communicate, ano pa, ‘teh?!

Kung komportable na kayong limang buwan na walang usap, e di siguro mas madali ang mag move on. Kung duda ka na kung mahal nyo pa ang isa’t isa, pano mo malalaman kung di kayo nag-uusap na.

As kung bakit n’yo natitiis ang walang usap, edi confirmed na yung ayaw mong isipin.

On the other hand, mas madali na yung ganyan di ba. Diretso kayo sa mga regular niyong routine without giving much thought sa estado ng relasyon niyo. Siguro lang dumating na kayo sa mga pagkakataong napagod na kayo sa mas maraming panahon ng pagkakalayo ninyo.

Wag panghinayangan ang walong taon, yun ay walong taon na nakakilala ka ng taong kaya mong pagtiisan.

Walong taon na nakilala mo ang sarili mong kayang mabuhay ng tapat para sa karelasyon.

Maganda siguro mag usap kayo ulit. Doon maging open kayo sa mga tanong at mga naiisip o nararamdaman ninyo.

At least ikaw sa side mo. Hindi lang naman ito tanong ng kung mahal nyo pa ba ang isa’t isa, kundi kung willing pa ba kayong magpatuloy sa relasyon ninyo.

Mula sa mapag-uusapan ninyo, bigyan ninyo ang isa’t isa ng panahong mag-isip.

Then finally make an informed and willing decision.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kayo lang naman makakasagot at makakapag desisyon ng patutunguhan ng relasyon ninyo eh.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending