Dennis, Jennylyn naghahanda na sa future; nagsosyo sa cookie business | Bandera

Dennis, Jennylyn naghahanda na sa future; nagsosyo sa cookie business

|November 16,2018
facebook
share this

Dennis, Jennylyn naghahanda na sa future; nagsosyo sa cookie business

- November 16, 2018 - 12:05 AM

JENNYLYN MERCADO AT DENNIS TRILLO

WALANG balak mangibang-bansa sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ngayong holiday season.

Sa presscon ng bagong Kapuso series na Cain At Abel na pinagbibidahan nina Dennis at Dingdong Dantes, sinabi ng Drama King na sa Manila lang sila ni Jennylyn this coming Christmas.

“Ngayong Pasko po, sa Manila lang kami, wala po kaming planong bumiyahe dahil pareho kaming busy. Ako, magpo-promote din ako ng pelikula namin sa MMFF kaya dito na lang po muna kami,” sabi ni Dennis na excited na sa Parade Of Stars ng taunang filmfest.

“Iba rin ‘yon, eh. Tsaka nakaka-excite this year, ibang genre naman ‘yung nagawa ko, so nae-exercise ko ‘yung craft ko at the same time natututo ako sa mga katrabaho ko, kay Dong, sa lahat ng cast ng Cain At Abel pati sa mga katrabaho ko sa ABS-CBN, sina Kim (Chiu) at JC (de Vera),” sabi pa ni Dennis.

Sa tanong kung may big plans na sila ni Jennylyn sa 2019, like the bonggang wedding? “Ah ano ba? Nagp-prepare pa rin para sa future.”

As in nag-iipon na kayo for your future family? “Kasama na ‘yon, kasama na rin po ‘yon,” tugon ng hunk actor.

Nagpapagawa na ba kayo ng inyong dream house sakaling magdesisyon na kayong magpakasal? “Ayoko pong magbigay ng timeline, eh. Ah, masaya kami pareho, maganda ‘yung mga nangyayari sa mga career namin and sa mga buhay namin, and unti-unti naaayos lahat ng mga maliliit na problema.”

Suportado rin ni Dennis ang bagong business ni Jen, ang pagbe-bake ng cookies. Parang magkasosyo na raw sila sa cookie business, “Maraming umo-order, hindi lang dito sa Manila, sa probinsiya marami rin. Through e-mail ang order, sa online.

“So, ayun muna ang pinagkakaabalahan niya since hindi pa naman siya nagsisimula sa bago niyang soap. Pero malapit na rin siyang mag-start sa new series niya,” chika pa ng Kapuso Drama King.

Samantala, magsisimula na sa Lunes ang bagong primetime series ng GMA na Cain At Abel, kapalit ng Victor Magtanggol. Makakasama nina Dennis at Dingdong dito sina Solenn Heussaff at Sanya Lopez.—Janvin Brua

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending