Sa wakas, Kim umaming boyfriend na si Xian; pero ayaw pag-usapan ang tungkol sa sex


UMAMIN na si Kim Chiu sa relasyon nila ni Xian Lim nang mag-guest ang Chinita Princess last Wednesday sa talk show ni Boy Abunda.

“Oo naman. Yes. Oo,” tugon ni Kim nang tanungin siya ni Boy kung sila na nga talaga ni Xian.

Sa transcription ng interview na inilabas sa Twitter ng ABS-CBN news, sinabi ni Kim na misunderstood ang kanyang boyfriend. Pero bawi niya, “Kung magpapakita siya ng sweetness, doon matutunaw ka talaga kasi iba siya mag-surprise, mag-express.”

Ipinalabas ang pag-amin ni Kim sa estado ng relasyon nila ni Xian matapos umere sa social media ang full trailer ng film festival movie na “One Great Love” kung saan makaka-sama niya sina JC de Vera at Dennis Trillo.

In fairness, maraming nagkagusto sa trailer dahil lutang na lutang ang galing ng tatlong bida sa bawat eksena. Mula ito sa direksyon ni Enrico Quizon mula sa Regal Entertainment.

Sinabi rin ni Kim na ito na ang pinaka-challenging na project na ginawa niya dahil bukod sa madadramang eksena, mas mature ang character niya rito kumpara sa kanyang past movies.

Natanong din siya tungkol sa usaping sex, pero tumanggi na si Kim na sagutin ito, “Hindi din naman talaga pinag-uusapan ‘yan Tito Boy.”

Read more...