Toto Natividad, 1 pang direktor umalis sa 'Ang Probinsyano' dahil kay Coco Martin? | Bandera

Toto Natividad, 1 pang direktor umalis sa ‘Ang Probinsyano’ dahil kay Coco Martin?

Cristy Fermin |November 16,2018
facebook
share this

Toto Natividad, 1 pang direktor umalis sa ‘Ang Probinsyano’ dahil kay Coco Martin?

Cristy Fermin - November 16, 2018 - 12:10 AM


SIGURADONG  magkakaroon ng isyu ang paglipat ni Direk Toto Natividad, ang dating fight director ng Ang Probinsyano, sa GMA 7. Hindi puwedeng isnabin ng marami ang pangyayari lalo na’t meron nang mga dating kuwento tungkol sa paminsan-minsang hindi pagkakasundo nina Direk Toto at Coco Martin.

Sabi pa ng isang source, “Hindi lang si Direk Toto ang umalis, meron pang isang director na lumipat na rin ng programa. ‘Yun din ang reason, palagi siyang kinokontra ni Coco sa mga atakeng ginagawa niya.”

Gaano katotoo ang balitang umiikot ngayon na kapag hindi nagustuhan ng bumibidang si Ricardo Dalisay ang mga nagaganap sa set ay bigla na lang siyang umaalis?

“Kung minsan, e, puro close-up ang mga shots, di ba? Itinutuloy pa rin kasi ang mga eksena kahit wala si Coco, pagbalik niya, uulitin na naman ang eksenang ‘yun, nandu’n na siya, puro close-up din ang mga kuha sa kanya,” kuwento ng isang source.

Hindi makagaganda sa estado ni Coco Martin ang mga ganu’ng istorya, lalo na ng pag-aalisan ng mga katrabaho niya, nangangailangan ng damage control ang mga ganitong kuwento.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending