Sinabi ni Lacson na hindi makatotohanan ang pagganap ng PNP Chief sa teleserye na mahaba ang buhok at malaki ang tiyan.
Binatikos din ni Lacson ang uniporme ng mga pulis sa teleserye dahil wala man lang binago rito.
Hinikayat din ni Lacson ang PNP na makipag-usap sa producer ng Probinsyano dahil umano nasisira ang imahe ng buong PNP.
Samantala, ipinagtanggol naman ni Sen. Grace Poe ang teleserye sa pagsasabing hindi naman nakasalalay sa Ang Probinsyano ang pananaw ng publiko sa PNP, kundi sa totoong gawain ng mga pulis.
“Ang pananaw ng ating mga kababayan sa kapulisan ay nakasalalay sa tunay na gawain ng mga pulis at hindi sa teleserye,” sabi ni Poe.
Nagpasalamat naman si Poe sa teleserye dahil sa modernong paglalahad ng Ang Probinyano, na ang orihinal ay ang kanyang amang si Fernando Poe Jr.
“Sa modernong paglalahad ng ‘Ang Probinsyano’ ng aking ama, kami ay lubos na nagpapasalamat na hindi lamang nito nirerespeto ang legasiya ni FPJ, kundi ipinaaalala rin ang kahalagahan ng pamilya, paggalang sa nakatatanda, kagitingan at pagmamahal sa bayan,” ayon kay Poe.