Yoon Eun Hye ng ‘Coffee Prince’ balik sa K Drama


KOREAN word of the day: “Ban gap sum ni da” – Sa Ingles ito ay ay “Nice to meet you.”

q q q

Pasabog ang comeback ng Korean actress na si Yoon Eun Hye with her top-rating drama series Love Alert.

Unang episode pa lang kasi nito kung saan kasama niya si Chung Jung Myung ay nanguna na agad ito sa ratings game, breaking also MBN’s record for a drama premiere!

Sino ba naman kasi ang hindi aantabay sa kwento nila ni Cha Woo Hyun (Chung Jung Myung) at Yoon Yoo Jung (Yoon Eun Hye) bilang couple under a “contract”, ‘di ba?

Nagkaroon kasi ng scandal between these two because of a photo na kumalat sa internet kung saan spotted silang magkasama sa labas ng isang convenience store.

Bilang isang sikat na actress si Yoon Yoo Jung while isa namang dermatologist sa kababaihan si Cha Woo Hyun, malayo talagang hindi sila gawan ng issue. Ang kwentong ito ay base sa web novel titled “Seolremjoouibo” written by Seo Han-Kyeol.

Pangatawanan kaya nila ang pagiging couple o sumunod kaya sila sa kontratang pareho nilang pinirmahan? Abangan ito every Wednesday at Thursday, 11 p.m. KST sa MBN.

Sumikat nang husto si Eun Hye sa blockbuster Korean romcom na Coffee Prince opposite Korean superstar Gong Yoo. – Janvin Brua

Read more...