Inaasahang papasok ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo sa Sabado ng gabi o Linggo ng umaga. Tatawagin itong bagyong Samuel.
Kaninang umaga ito ay nasa layong 2,715 kilometro sa silangan ng Mindanao. May hangin ito na umaabot ang bilis sa 45 kilometro bawat oras at pagbugsong 60 kilometro bawat oras. Inaasahan na lalakas pa ito bago pumasok ng PAR.
Ang direksyong tinatahak nito ay ang silangang bahagi ng Visayas at Mindanao.
Samantala, isang LPA naman ang nabuo sa Puerto Princesa, Palawan. Magdadala ito ng pag-ulan sa Visayas at Mindanao area.
Ang LPA na dumaan sa Davao region ay nalusaw naman kamakalawa.