Kris Bernal nagpaka-sugar mommy sa dating boyfriend

MINSAN na ring nagpaka-sugar mommy si Kris Bernal sa isang lalaking nakarelasyon niya noon.

Sa Mars “Lightning Laglagan Round” ng GMA News TV, inamin ni Kris pinagsisisihan niya ang pagbibigay ng mamahaling regalo sa mga nakarelasyon niya noon.

“Yes, para akong sugar mommy! Naging ganoon ako,” tawa nang tawang sabi ng bida sa seryeng Asawa Ko, Karibal Ko.

“Ano kasi ‘pag na-fall ako, todo-todo,” sabi ni Kris. Ang ilan daw sa mga nairegalo niya sa kanyang ex-boyfriend ay relo, sapatos, belts at bags.

Samantala, patuloy namang humahataw sa ratings game at tume-trending araw-araw ang afternoon series ni Kris na Asawa Ko, Karibal Ko na napapanood after ng Eat Bulaga sa GMA 7.

Read more...