Hiling ng mga barako ngayong Pasko: Gusto naming regalo si 'Andrea Torres' | Bandera

Hiling ng mga barako ngayong Pasko: Gusto naming regalo si ‘Andrea Torres’

Cristy Fermin |November 15,2018
facebook
share this

Hiling ng mga barako ngayong Pasko: Gusto naming regalo si ‘Andrea Torres’

Cristy Fermin - November 15, 2018 - 12:01 AM

HALOS lahat ng mga kaibigan naming male professionals ay may hinihiling na regalo sa amin ngayong Pasko. Kami raw ang makasasagot sa kanilang problema.

Ang regalong hiling nila ngayong Christmas ay ang kalendaryo ni Andrea Torres para sa isang klase ng inuming nakalalasing.

Buo na raw ang kanilang Pasko kapag nabigyan namin sila ng kalendaryo ng napakaseksi naman kasing aktres. Napakalakas ng appeal ni Andrea sa mga kalalakihan, maging ang mga kaibigan naming tibo ay nahuhumaling sa kanyang kaseksihan, humihingi rin sila ng kalendaryo ng dalagang napakasimple sa tunay na buhay.

Nu’ng minsang magkita-kita kami ni Andrea, ng kanyang ina at ng mga kaibigan ng kanilang pamilya na sina Tito Manny at Tita Norsky Garcia ay nalaman namin kung sino talaga si Andrea Torres.

Takang-taka kasi ang mag-asawa kung paano nasabak sa mga sexy roles si Andrea samantalang konserbatibo ang kanilang pamilya.

Sabi ng kanyang mommy, “Kami man ng daddy niya, nagulat na lang, dahil mga sexy rolses ang ibinibigay sa kanya. Nu’ng una, e, hindi kami pumapayag, pero naging challenge ‘yun kay Andeng.

“Hindi raw naman siya maghuhubad-hubad, sexy lang, saka she can take care of herself daw naman. Kilala naman namin kung gaano siya ka-responsible, kaya pinayagan na rin namin siya,” kumpisal ng ina ng seksing dalaga.

Nakita na namin ang calendar ni Andrea Torres. Naiintindihan na namin kung bakit ganu’n na lang ang kagustuhan ng mga kaibigan naming lalaki at tibo kung bakit ‘yun ang pamaskong hiling nila sa amin.
Napakaseksi ni Andeng!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending