Jean bugbog-sarado na naman kay Valerie

JEAN GARCIA AT VALERIE CONCEPCION

TRENDING  na naman ang mga pasabog na eksena nina Valerie Concepcion at Jean Garcia sa afternoon series na Ika-5 Utos sa GMA. 7.

Sa kagustuhang paglayuin sina Eloisa (Jean) at Emil (Tonton Gutierrez), gagawa si Eloisa ng iba pang paraan mailigtas ang kaniyang mahal.

Nang mag-abot sina Clarisse at Eloisa sa rest house kung saan itinatago ng huli si Emil, simula na naman ng matitinding “fight scenes.” Grabe! bugbog-sarado na naman si Jean kay Valerie hanggang sa maihulog niya ito sa swimming pool mula sa balcony.

Hanggang saan aabot ang paghihiganti ni Clarisse kay Eloisa? Sino ang susunod na mapapatay at makakapatay? ‘ Yan ang abangan sa pagpapatuloy ng Ika-5 Utos sa GMA.

Read more...