OF THE three alleged victims of sexual harassment, si Miss Earth Guam (Emma Sheedy) lang ang matapang to have dropped the name of the pageant sponsor na umano’y guilty ayon sa kanilang mga paratang.
Ang dalawa pang kandidata in the recently concluded Miss Earth na nagsiwalat ng kanilang reklamo ay sina Miss Earth Canada (Jaime VandenBerg) at Miss Earth England (Abbey-Anne Gyles-Brown).
Kung susuriing mabuti ang kanilang kuwento ay nagko-corroborate ‘yon. Hiningi ang kanilang room number sa hotel where all the girls were billeted, saka tinawagan sa telepono, inalok ng kung anu-ano, sinundan hanggang sa mismong pageant proceedings.
Tanging ang kinatawan lang ng Canada didn’t finish the pageant as she flew back to her country dahil sa aniya’y pagiging unsafe niya.
Iisa rin ang kanilang naging aksiyon, ang ipagbigay-alam ang kanilang mga dinanas separately to their assigned team managers na sa halip daw na gawan ‘yon ng paraan ay pinagtawanan pa umano sila.
Ultimately, umabot ‘yon sa kaalaman ni Lorraine Schuck, ang pinuno ng Carousel Productions in charge of Miss Earth. Nangako ito na magiging ligtas ang tatlong kababaihan as far as being stalked by the sponsor was concerned.
Pero hindi raw ito ang nangyari. Hanggang sa coronation night daw ay naroon ang presensiya ng taong positibong tinukoy ni Miss Guam bilang si Ginoong Amado S. Cruz.
Samantala, Facebook ran a photo of Cruz taken with President Rodrigo Duterte. Hindi malinaw kung saang event o pagtitipon kuha ang litratong ‘yon.
Regardless of their closeness, the Miss Earth pageant committee must address the issue.
While it may still be under probe, ang una at bigla lang naming naisip ay ang imahe ng Pilipinas in the eyes of the international community lalo’t ang event ay isang malaking delegasyon ng mga babae from different parts of the world.
Charges of sexual harassment are serious, lalo pa’t kilala pa naman ang Pinoy sa pagiging hospitable (at times to a fault na nga) sa mga dayuhang panauhin. In the past, parang ngayon lang din kami nakabalita ng ganitong kaso against women sa kasaysayan ng Miss Earth.
Isn’t it also the first time the name Amado Cruz popped out in our consciousness? Taun-taon ba’y ito ang nag-i-sponsor ng pageant?
Nakakatawa dahil minsan na ring ipinrodyus ni dating Ilocos Sur Gov. Chavit Singson ang Miss Universe?
We’re not privy to the old man’s personal life, pero mukha rin siyang chick boy. Pero wala tayong nabalitaang may nagreklamo laban sa kanya ng sinumang delegada sa MU noon.
Same thing with Manila City Mayor Joseph Estrada. Ito nama’y aminadong palikero. Miss Manila naman ang isa sa mga proyekto sa ilalim ng kanyang panunungkulan. At ni minsan, we never heard of a single issue dragging Erap sa mga reklamo of similar nature.
Bagama’t kailangan pang patunayan, nanliliit kami para sa Carousel. Literally, para kaming sakay ng paikut-ikot na carnival ride na ito hanggang magsuka kami dahil sa hilo.
Nahilo kami sa mga reklamo ni Misses Canada, England at Guam who could be telling the truth at hindi sana basta na lang ipinagwalang-bahala.
At dahil nga sa sobrang hilo, we “schuck” our head in unspeakable dismay over what has sadly become of this manyakis-inhabited earth?
q q q
Samantala, binigyan naman ng limang araw ng National Privacy Commission (NPC) ang organizers ng Miss Earth 2018 para ipaliwanag ang umano’y paglabas ng personal information ni Miss Canada.
Ito’y matapos ngang sabihin ni Miss Canada na ibinigay daw sa isang sponsor ang kanyang cellphone number without her consent. Sa letter ng NPC sa organizers ng Miss Earth, ipinagdiinan nito ang obligasyon ng Carousel na siguruhin ang pagsunod ng personal information controllers sa data privacy laws.
Nagsasagawa na rin ng evaluation ang NPC sa “legality of data processing within Carousel Productions.”