MMDA kumurap sa kontrobersiyal na footbridge

BABAGUHIN na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang disenyo ng kontrobersiyal na footbridge na nasa gitna ng Edsa-Metro Rail Transit Line 3 sa Kamuning,Quezon City sa harap naman ng patuloy na pagtuligsa ng mga netizen.

Sinabi ni Bong Nebrija, MMDA operations supervisor, nagdesisyon ang MMDA na baguhin ang disenyo ng 13.8-meter footbridge sa Scout Borromeo st.

Idinagdag ni Nebrija na maglalagay ng flat form o landing sa gitna ng tulay para bahagyang makapagpahinga ang tatawid na pedestrian.

Aniya, lalagyan din ng screen ang naturang footbridge para matiyak ang kaligtasan ng mga pedestrian.

Sinasabing matatapos sa Nobyembre 27,2018 ang footbridge na nagkakahalaga ng P10 milyon.

Sa rekord ng MMDA, tinatayang nasa 10 pedestrian ang naaaksidente sa Edsa kada buwan.

Read more...