2 LPA binabantayan ng PAGASA

By Leifbilly Begas November 14,2018
share this

2 LPA binabantayan ng PAGASA

By Leifbilly Begas November 14,2018
share this

DALAWANG low pressure area ang binabantayan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration.

Ang isa ay nasa loob ng Philippine Area of Responsibility at nagpapaulan sa malaking bahagi ng Mindanao.

Ngayong araw,  ang LPA ay nasa layong 195 kilometro sa silangan-hilagang silangan ng Davao City.  Maliit ang tyansa na ito ay maging bagyo.

Ang isa pang LPA ay nasa layong 3,045 kilometro sa silangan ng Mindanao. Dahil malayo pa sa lupa posibleng lumakas ito at maging bagyo bago pumasok sa PAR. Kung mangyayari, ito ang magiging ika-19 na bagyo ngayong taon.

Kung hindi magbabago ng bilis at direksyon ito ay papasok sa PAR sa susunod na linggo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending